Epilogue

12.6K 223 71
                                    

-Third person's POV-

 

 

Lahat ay nagpunas ng kanilang mga luha sa lungkot na nadarama. Tapos na... tapos na ang lahat.

Lahat ay nakaramdam ng kirot sa kanilang mga puso dahil sa nakikita nila ngayong pighati  at sakit na nadarama ni Daniel habang nakayakap sa katawan ng asawa.

Ang tahimik ng paligid at ang tanging pagsigaw lang ni Daniel ang naririnig. Tahimik lang hanggang sa unti-unting umingay at hanggang sa nagkaroon ng palakpakan sa buong paligid.

"CUUUUUUUUUUUUUUUUUUUTT!! Napakagandang last scene Daniel at Kath!" sigaw ng Direktor at lahat ay napasigaw dahil tapos na nilang kuhanan ang huling scene para sa kanilang movie.

"Woooh!"

Lahat ay masaya maliban sa isa na hindi malaman ang kanyang nadarama na tapos na ang kanilang palabas.

-Kath-

 

 

"Uy, congrats sa atin. Paniguradong successful ang movie na to." bati sa akin ni DJ na may matamis na ngiti. Sa ngiti na nagpapahulog sa akin.

Halo-halo ang nararamdaman ko, masaya dahil tapos na ang mga puyatan at malungkot dahil balik na naman kami sa normal. Yung walang DJ na makulit sa buhay ko.

Hindi ko sya pinansin dahil may nababalita na naman na may gusto daw syang ligawan. Naiinis ako sa sarili ko kung bakit ako nagpapaapekto. Baguhan lang ako sa showbiz kaya ayokong gumawa ng mga bagay na makakasira ko.

"Oh? Bakit ang sungit mo?"

Hindi ko pa din sya pinansin at sumandal nalang ako sa mahabang upuan at pumikit. Gusto kong magpahinga dahil galing din ako sa sobrang madramang scene at saka busy ang mga staff sa panonood ng last scene namin.

Nakapikit lang ako hanggang sa di ko namalayan ay hinugot na ako ng antok ko.

*

Naalimpungatan ako at agad akong napabangon. Tumingin ako sa paligid at wala nang katao-tao saka nakaligpit na din ang ibang mga gamit. Tumingin ako sa phone ko at nakita kong may text si Direct at pinapupunta ako sa plaza na malapit dito. May nakalimutan ba kaming i-shoot? Bakit hindi nalang nila ako ginising? Agad nalang akong nag-reply sa kanila na papunta na ako.

Konti lang ang lalakarin ko at nang makarating ako doon ay hindi ko alam kung anong mararamdaman ko at nagtataka din ako sa nangyayari. Punong-puno ng Christmas lights sa paligid na hugis puso. Ang mga staff at crew ay may kanya-kanyang hawak na letra at nakabuo sila ng mga salitang 'Hi Kath ko!'.

Isang tao lang ang tumatawag sa akin ng ganun at hindi ako pwedeng magkamali sa kung sino talaga ang nasa likod nito pero ang pinagtataka ko ay bakit nya to ginagawa.

"Ikaw pala ang hanap ko, ang nais ko, ang hinihintay ng puso ko. Tunay nga, kung sya ang kapalaran mo, darating sa buhay mo. Ikaw pala langit ng pag-ibig ko, binuhay mo ang puso ko, sana kailanman ay hindi magbabago."

Agad akong napalingon sa lalaking kumakanta at saktong sa chorus na sya kumanta. Napatitig ako sa kanya, sa mga mata nyang puno ng sinseridad.

"Kathryn, sa wakas tapos na ang lahat dahil eto na ang pagkakataon ko na sabihin sa taong nagpaniwala sa akin na totoo ang love at first sight, sa taong nagpakita sa akin ang ibang klase pa ng buhay.. sa taong gusto kong mahalin habangbuhay... na mahal na mahal ko sya, mahal kita Kath. I will court you, kahit humindi ka."

I smiled and I felt my tears running down my face. Patuloy lang ang tugtog at gusto ko na ding mapakanta sa saya.

Niyakap ko sya na alam kong kinagulat nya at sinabi sa kanya ang mga katagang hindi ko kailanman pagsisihan na sinabi ko sa kanya.

"Mamatay na ang nagsabing hihindi ako."

-end-

I love THAI so much at mahal ko din ang readers ko dito.

Follow nyo ko sa twitter: @heyairaaa

xxBye

THAI is now signing off..

The Hater And I (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon