Special Chapter: Daniel

14.7K 223 8
                                    

-Daniel-

 

I’m staring at the white ceiling, waiting for... I don’t know. Wala na yata akong alam. Manhid na yata ako. Para ako yung puting kisame, blanko at walang buhay.

Parang dati ang saya-saya pa namin, parang dati kuntento na kami ng nag-aasaran, parang dati okay na kami at kuntento na kami sa lahat nang nangyayari pero... ano to? Bakit dumating na kami sa puntong ito? Parang kahapon lang ang lahat...

Tandang-tanda ko pa ang araw na iyon, it’s her birthday, when I received a call from my mother.

 

“Iho, Xandra is back.” tanda kong bungad nya sa akin. Sa mga salitang yun ay napuno ng kaba ang puso ko.

 

“She needs you, DJ.” dagdag pa nya. Gusto kong magalit at sabihin sa kanya na gusto nya lang ba ako pag may kailangan sya tapos kapag ako naman ang may kailangan sa kanya ay wala sya sa tabi ko. Pero hindi ko nasabi yun dahil sa sunod nyang sinabi.

“She’s dying. Her mom told me everything and her last wish before she died is to be with you. Please, DJ alam mo naman na anak na din ang turing ko sa kanya at sana wag kang gumawa ng mga bagay na makakapag-stress sa kanya. 3 months, dear. Pagbigyan mo na. And lastly, don’t tell Kath about this.”

 

 

Papayag na sana ako kaso bigla akong napahinto sa huli nyang sinabi. Bakit hindi ko dapat sabihin kay Kath? Baka masaktan sya. Pero sa huli wala na din akong nagawa at sumunod nalang sa kanila.

I was about to tell Kath that I love her so much pero hindi talaga umayon ang tadhana sa akin. Pero gumawa pa din ako ng iba pang paraan para maparating sa kanya na mahal ko sya. I was once promise that I will marry my first love. Tanda ko din nung birthday nya nun at kumakain kami nung tinanong ako ni Xandra.

“Ako lang naman ang mahal nya at alam kong ako lang talaga ang gusto nyang pakasalan, di ba Deej?” tanong nya sa akin at naalala ko nga ang pangako ko sa sarili ko.

“Xandra...” untag ko.

“Deej!” inis na sabi nya kaya sumagot nalang ako. Pero humarap ako kay Kath dahil sa kanya ko gusto sabihin ang mga sasabihin ko.

 “Hindi ako sumisira ng pangako Xandra.”

 

 

Oo, dahil papakasalan ko ang first love ko. Papakasalan ko sya, ulit. Si Kathryn, na bata palang pala ay kaaway ko na at sa hindi ko malamang dahilan ay kung bakit si Xandra ang naisip kong pinangakuan nang kasal pero ang totoo ay sya pala. At nagsisisi ako na huli ko na nang ma-realize ko na sya pala yun.

“Hoy, panget bakit ang panget-panget mo? Hula ko paglaki mo walang magpapakasal sayo.” sabi ko sa kanya na medyo mautal-utal pa dahil 4 years old palang ako nun at tinawanan sya at nagulat nalang ako nung umiyak sya.

 

“Uyy, joke lang yun, ganito para tumahan ka na, paglaki mo papakasalan kita.” at ng dahil dun ay ngumiti sya at doon ko unang naramdaman ang pagtibok ng mabilis ng puso ko.

“Mr. Padilla.”

Napabalik ako sa realidad ng nakita ko ang doktor na nasa labas na ng ER. Nabuhay na ang kaba sa puso ko na akala ko ay manhid na sa sakit.

“Ang asawa ko...” ang tangi kong nasabi at pakiramdam ko gumuho ang mundo ko nang nakita ko syang umiling ng malungkot.

Hindi pwede.. Kathryn.

*

Next: Epilogue :)

The Hater And I (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon