Chapter Twenty-seven

14.1K 236 24
                                    

Hello! Hi din kay Sophia na isa sa mga napiling maging characters ng story na to. Eto na to! Time mo na!

Vote, comment and enjoy <3

***

-Daniel-

 

 

Wala dapat akong balak pumasok kung hindi ako kinaladkad nung tatlong gunggong papunta dito sa school.

Naiinis at napapagod na ako sa mga habol ng habol na media at sa pagsasagot sa mga tanong nila. Kasalanan talaga to ng payatot na yun eh.

Oo galit ako sa kanya at hindi ako makapaniwala na kaya nya yung gawin. Desperada na ba syang siraan talaga ako at ano namang nagawa kong mali sa kanya at galit na galit sya sa akin?

Napalingon ako ng makita kong nagbukas ang pinto. Nag-init bigla ang ulo ko ng makita kung sino iyon.

Nakita ko syang buhat ni Ken. Aba, porke galit ako sa kanya ngayon at nasagawa nya ang plano nyang sirain ako, wala syang karapatang makipaglandian sa kaibigan ko. Ako pa din ang asawa nya.

“Anong ginagawa NYAN dito?” naiinis kong sabi.

Ibinaba sya ni Ken sa upuan at nagulat ako ng makita ang itsura nya. Ang dami nyang galos sa katawan at ang dumi nya. Gusto ko sana syang lapitan at alamin ang nangyari sa kanya kaso biglang pumasok sa isip ko ang ginawa nya sa akin.

“Mag-usap kayo. Hindi nyo maso-solve ang issue mo kung dadagdag pa ang away nyo.” mahinahong sabi ni Ken.

Mas lalo akong nainis. Bakit ba ang hilig nyang mangialam? Oo kaibigan ko sya pero problema naming mag-asawa to.

The Hater And I (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon