Chapter Eleven

18.9K 301 24
                                    

Yun oh. Wedding day na! May ud pa ko kanina baka nalaktawan nyo :)) In-edit ko din pala yung prologue ;00

Vote, comment and enjoy.

Wedding song nila yung nasa multimedia. Piano/Cello version ng A thousand years. Astig!

***

-Kath-

 

 

October 26. Saturday. 8:03am

This is it. Ikakasal na ko at matatali sa pinakaayaw at pinakakinaiinisan kong tao.

Nakatayo na ako sa harap ng simbahan at nakahawak sa kamay ni Dad. Hinihintay nalang namin magsimula yung tugtog.

Kahit ayoko ng kasal na to, hindi ko pa rin matatanggi na kinakabahan ako. Siguro parte na talaga to tuwing kinakasal ka. Kakaiba yung pakiramdam.. nakakapanibago.

Narinig ko na yung tugtog ng piano. Naalala ko tuloy nung namili kami ng kanta para sa wedding march. As usual nag-away pa muna kami at syempre ako ang nanalo. Nandun kasi yung parents nya kaya di sya makatanggi. Ayan nauwi kami sa ‘A thousand years’ na piano version.

“Don’t be nervous, baby. I’m here” bulong sa akin ni Dad at ngumiti sa akin. I smiled back.

Nagsimula kaming maglakad. Konti lang ang mga tao. Close friends namin at yung parents nila, trusted business partners at syempre ang family namin. Alam nila ang rule dito, dapat walang makaalam sa labas na kasal na kami lalong-lalo na sa media. Sikat si eyebags kaya parang ang pangit daw tingnan na ang bata pa nya kasal na sya saka daw dahil sa mga fans nya na babae kaya sya sumikat kaya pag nalaman nila na kasal na sya paniguradong patay kaming dalawa.

The Hater And I (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon