Chapter Thirty-five

12.8K 201 50
                                    

-Kath-

 

 

October 19, it’s my 19th birthday!!

Hayy, tumatanda na talaga ako.

“Happy birthday, Chandie koooooo!!” napabalikwas ako ng bangon ng marinig ang sigaw nung katabi ko.

Nanlaki ang mata ko at biglang nag-flashback sa akin yung nangyari kagabi. Nagkaroon kami ng advance celebration kasama ang mga family namin dahil aalis yung parents namin ngayon for a business trip tapos umalis din sila nung late na ng gabi tapos nung kami nalang dalawa bigla akong hinalikan ni eyebags tapos---- waaaaaaaaaaaaaaaaahhhhh!!

Napatingin ako sa kanya na ang laki ng ngisi. “Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhh!!” napatili ako kasi naman.... naulit na naman YUN?!

“A-aray ahhh? Ang sakit sa tenga nun Chandie. Ang aga-aga nakasigaw ka dyan?” sabi nya at bumangon, hindi man lang nag-abalang magtakip sa katawan nya kaya napatili na naman ako at sya tinawanan lang ako.

“Bilisan mo na dyan. Dadating na yung mga kumags” sabi nya at lumabas na ng kwarto.

Oo nga pala, magpo-pool party kami dito sa bahay para sa birthday ko. Balak nga nila dapat ay sa bora daw kami kaso kulang na sa time kaya dito nalang. Ayos na din yun basta makasama ko lang sila, ayos na ko. Buti nga pupunta si Thea at Justin eh, minsan nalang kasi magparamdam yung mga yun. Sayang nga si Yumi kasi hindi sya makakauwi dito at baka next year pa.

Bumangon na ako at nagsimulang mag-ayos kahit medyo masakit pa yung katawan ko... ahem. Hahaha.

The Hater And I (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon