Chapter Thirty-four

12.9K 210 17
                                    

Hi, thank you :**

*

-Kath-

 

 

2 weeks later, October 15.

Student’s Day ng school. Oo may ganung chorva pa dito para naman makapag-enjoy ang mga students kahit papano. Puro labanan ng sports tapos may mga booths din.

Hayy.

“Ay teh, ang lalim nun ah?” sabi sa akin ni Danna na nasa tabi ko at kumakain ng cotton candy.

“May pinanghuhugutan kasi! 10 minutes palang ang nakakalipas simula nung naghiwalay kayo ni Fafa Padills tapos miss mo na agad? Iba na yan! Waaah, ang lungkot tuloy kasi wala akong lovelife” litanya ni Rein na nasa kabilang side ko naman at kumakain din ng cotton candy.

“Tss, wala akong nami-miss.” sabi ko kahit halata naman sa tono ko na meron talaga.

Kainis naman kasi! Varsity player kasi si eyebags kaya hindi nya ko nasasamahan, minsan nalang din kami magkasama dahil lagi silang may practice. Nakakapagtampo nga kasi wala na talaga syang time sa akin. Pero sino ba naman ako para mag-demand di ba? Oo may nangyari na sa amin, oo sweet sya, eh ang tanong ano bang tawag sa relasyon na meron kami? Kasal nga kami pero iba pa din yung may label kayo na alam ng mga tao, di ba?

“Hala!! Danna, tumatawag sya!!” parang tangang sigaw ni Rein na nagpabalik sa akin sa realidad.

“Waaaahh! Dali sagutin mo!” tarantang sabi naman ni Dana.

The Hater And I (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon