Chapter Seven

18.8K 307 29
                                    

-Kath-

 

 

7:10pm

Nandito kami sa isang fancy restaurant na hindi ko alam kung saan. Si eyebags ang may-ari nito, I mean yung parents nya pala.

Kanina pa kami nakatanga dito at wala pa din ang eyebags na yun. He’s 10 minutes late! Masyado yata syang pa-VIP.

“Kumain na kaya tayo, kumpadre? Mukha matatagalan pa ang anak namin. Nakakahiya sa inyo at mukhang pagod din si Kath.” sabi nung mom nya.

Psh buti pa to ang bait. Saan kaya nagmana si eyebags? Ang bait ng parents nya, napakalayo sa ugali nyang pang-gubat. Ampon kaya yun?

“Ayos lang yun. Di ba, Kathryn?” sabi sa akin ni mom.

Kahit ang totoo ay nagugutom na ko, tumango pa din ako. Kay eyebags lang naman ako galit at may respeto pa naman ako sa parents nya no.

After I-don’t-know-how-many minutes, dumating na ang pa-espesyal na eyebags na yun. Nakangiti pa ang loko na parang hindi sya late. Tsk, kung wala lang kami sa harap ng parents namin baka nasapak ko na to.

“Hi Mom, Dad, Tito, Tita and Chandie. Sorry I’m late.” sabi nya at kiniss sa cheeks yung mom ko at mom nya. Nagulat ako ng pati sa akin papalapit sya. Akala ko hahalikan din nya ko kasi papalapit yung mukha nya pero nagulat ako ng bumulong sya sa tenga ko pero hindi nakikita ng parents namin.

“Tss, what’s with the face, Chandie? Yung tingin na yan parang gusto mo na kong patayin ah, Chandie.” sabi nya at umupo sa tabi ko.

Naiinis ako sa kanya dahil masyado syang pakitang gilas tapos ang nakakainis pa tinawag nya kong Chandie sa harap ng parents namin!

“Hay, ang sweet talaga nila no hon? Tapos Chandie pa ang tawag nya kay Kath, how cute!” tuwang-tuwa na sabi ni mommy.

Hindi ba nila nakikita na naiinis ako sa pagtawag niya sa akin nang ganun. Tapos anong cute sa pangalan na yun? Parang pang-aso naman yun!

Umorder na kami at kumain. Sila todo kwentuhan lang, ako? Wala, tahimik na kumakain at nakikinig sa kanila. Ganun din tong si eyebags. Mukhang nagkasundo kami ngayon, parehas naming ayaw tong dinner na to.

“Dona, kelan nyo ba gustong gawin ang kasal?” tanong ni mom dun sa mom ni eyebags.

The Hater And I (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon