Chapter Eight

18.2K 289 22
                                    

PAKIBASA MUNA!!

Waaahh madami pala yung may gusto ng characters pero actually tatlo lang dapat ang kukunin ko tapos yung isa dun may big role. Ang hirap naman mamili kaya ganito nalang, magbigay kayo ng isang magandang kanta na pwede sa story na to tapos yung tatlong pinakanagustuhan ko yun yung mapapasok pero medyo matagal pa naman sila lalabas saka yung iba naman ita-try ko nalang na makapasok kahit extra. :))

Vote, comment and enjoy.



***

-Kath-

 

 

October 17. Two days before my birthday.

Nandito ako sa bahay nila Yumi kasama si Thea. Hindi kami pumasok kasi nakakatamad. Break na din naman pagkatapos nito eh kaya wala nang gaanong ginagawa.

“Ano ba kasi yung sasabihin mo sa amin, Kath?” tanong ni Yumi habang kumakain ng popcorn. Nagmo-movie marathon kasi kami.

Busy pa kasi ako sa panonood ng ‘BEASTLY’, yung title nung movie, kaya hindi ko pa nasasabi sa kanila yung pakay ko. Ang gwapo pa din kasi nung bidang lalaki kahit pumangit na sya.

“Hmm, wait lang nanonood pa ko.” sabi ko pero hindi ko pa din inaalis yung tingin ko sa tv.

Nagulat nalang ako nang biglang namatay yun. Waaaahhh, hindi pa ko tapos manuod eh.

“Ihhh! Ano ba, Thea?!” sabi ko sa kanya at pilit inaagaw ang remote.

“No, pwede mo namang panuorin yan ng paulit-ulit eh. Sabihin mo na kasi yung sasabihin mo!” -Thea

The Hater And I (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon