Chapter Twenty-eight

14.2K 228 17
                                    

Vote, comment and enjoy.

*

-Kath-

 

 

November 15. Friday. Sa room.

“Hay, kahit November feeling ko love is in the air.” dreamy na sabi ni Yumi.

Kahit isang araw na ang lumipas matapos nung sorry chervalu ni eyebags, hindi pa din makaget-over ang tao. Ilang masamang tingin din ang na-receive ko galing sa mga fangirls ni eyebags no.

“Che! Magsitigil na nga kayo. Hoy Padilla, pakibilisan ang kilos ha? Napakapa-VIP mo talaga, hindi tayo makapagsimula makapag-practice eh. Next week na yung play, magpakatino ka na ha?” sabi ko at nakapamewang pa.

“Yes boss” sabi nya habang nakangisi. Ang pangit nya talaga. =____=

Pumunta na kami sa avr para makapag-practice. Sana naman makapag-practice na kami ng ayos, next week na yun eh. Lagi kasi kaming may war nitong si eyebags kaya wala kaming nagagawa.

Pagdating namin, agad na kaming nagsimula. Okay na kasi kami eh, matagal lang talagang kumilos si eyebags at sya nalang lagi ang hinihintay.

*

Okay naman ang practice, nakakakalahati na kami. Buti talaga nakisama na si eyebags na yun. Umupo ako at hinanap ang bag ko at ngayon ko lang na-realize na hindi ko pala yun nadala. Uhaw na uhaw pa naman na ako eh ang layo-layo ng room namin mula dito.

The Hater And I (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon