-Kath-
October 21, 2 days after my worst birthday.
“Uy, kawawa naman yang manok na kinakain mo, triple dead na yan. Kung ayaw mo kasi ng nakikita mo, wag ka nalang tumingin. Sinasaktan mo lang yang sarili mo.”
Napabitaw ako sa tinidor na hawak ko at napabalik ang tingin ko kay Ken na kasabay kong mag-lunch dito sa caf.
Sino nga bang tinitingnan ko? Well, si PADILLA at yung Xandra na naman na yun na walang tigil sa paglalandian. Hindi na ba sila nagkakasawaan? Eh sila na lagi ang magkasama sa bahay pati ba naman dito sa campus?
“Hindi ako nasasaktan.” bitter na sabi ko. Masyado talaga akong fail pag nagsisinungaling.
Umiling lang sya na halatang di naniniwala sa akin. “Okay.”
Tiningnan ko sya ng masama. “Hindi nga sabi eh.” ulit ko.
“Hahaha, oh bakit ang defensive mo? Guilty ka? Sabi ko okay na di ba?” pang-aasar nya kaya inirapan ko nalang. Tama naman sya eh. Tamang-tama.
Bumalik nalang ako sa pagkain kahit wala akong gana. Gusto ko syang kausapin pero hindi ko alam kung paano. Lagi silang magkadikit at halos hindi na nga kami nagkakalapit.
Naiinis na ko! Ganun na lang ba nya ko kadaling kalimutan? Ganun na lang ba nya kamahal yung babaeng yun para kalimutan lahat ng pinagsamahan namin? Ang tanga-tanga ko talaga, ngayon ko lang na-realize na hindi naman nya ko minahal. Oo may nangyari sa amin pero hanggang doon lang yun, hanggang actions lang, walang words.
BINABASA MO ANG
The Hater And I (Published)
FanfictieI'm his number one hater and who the hell says that 'the more you hate the more you love'? I hate him. Yes. I hate him so much. Yes, believe me.