Chapter Thirty-two

12.6K 221 32
                                    

Wahahaha sorry sa late ud. Nagpapakasipag si ako. XD

Vote, comment and enjoy.

*

-Kath-

 

 

Gabi na pero wala pa din yung eyebags na yun. Wala tuloy akong kasama dito sa bahay dahil hindi makakapunta si manang.

Pero masyado talaga akong napapaisip dun sa huling mga sinabi nya. Ako? Paano naman ako naging manhid? Sya kaya ang pinakamanhid na taong nakilala ko.

“Eyebags!” sigaw ko ng bigla syang pumasok ng bahay at may pasa pa sa mukha. Saan naman to galing at ganito ang itsura nito?

“Uy Chandie!” sabi nya na parang baliw. Lasing pala sya!

Lumapit sya sa akin at bigla akong niyakap. Yung yakap na parang mawawalan na ako ng oxygen at yung yakap na parang ayaw nya akong pakawalan.

“O-oy eyebags, bitawan mo nga ako. Lasing ka!” sabi ko at tinulak sya.

“Kathryn..” bulong nya sa hangin na nagbigay sa akin ng goosebumps.

Nakatitig sya sa akin at yung titig nya parang tagos hanggang kaluluwa ko.

“A-ano bang problema mo, eyebags?” sabi ko na parang wala lang kahit na yung buong sistema ko, nagwawala.

The Hater And I (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon