Chapter Thirteen

16.8K 266 29
                                    

Hello. May isang ud pa ko kanina baka di nyo pa nababasa. :)

Napanood nyo na ba yung trailer nito? Ayun po sa multimedia :))

Vote, comment and enjoy.

***

-Daniel-

 

 

Earlier.

 

 

Tumayo ako.. umikot.. tapos umupo ulit. Humiga.. gumulong... tumambling.. tsk..

“Arghh!”

Bakit ba nako-konsensya ako sa ginawa ko kanina?! Eh ano naman kung umalis yung payatot na yun?! Ano naman kung galit sya sa akin?!

Umupo ulit ako saka binato ang kung ano mang nahawakan ko. Nakakainis! Ar--- TEKA YUNG CELLPHONE KO!

Pinuntahan ko yung phone ko na binato ko, buti nalang at hindi nasira. Tinawagan ko nalang si Axel para hindi na ko mabagot at mag-isip ng kung ano-ano.

Pagkasagot nya, agad kong nilayo sa tenga ko yung cellphone ko. T*ngina mabibingi pa yata ako ng di oras dito.

“Hoy DJ! Bakit?!” narinig kong sigaw ni Axel at medyo humina na din yung tugtog, lumayo muna siguro.

“Si DJ yan?!” narinig ko namang sabi ni Justin.

The Hater And I (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon