Chapter Thirty-eight

12.4K 243 34
                                    

-Kath-

 

 

October 24, 3 days after nung nakakainis na scene sa caf.

Simula nung araw na yun ay lagi nalang iba ang tingin sa akin ng mga tao. Yung iba mukhang naaawa pero ang nakakainis pa halos lahat ang iniisip, nilalandi ko si Padilla at si Xandra talaga ang bagay sa kanya.

Mag-isa ako ngayong naglalakad sa hallway. Loner na naman ang peg ko ngayon dahil busy na naman ang mga kaibigan ko. Bakit ba tuwing kailangan ko sila saka naman sumabay yung mga gagawin nila?

“Oh! Look who’s here!”

Agad akong napaangat ng ulo at tumambad sa akin ang isang grupo ng mga babae at may isang bakla. Lahat sila nakataas ang kilay sa akin. Kilala ko tong mga to, sila ang DanXan Fansclub officers. Ganun ba talaga kami ka-hindi bagay nung Padilla na yun na halos lahat ng tao isinusuka ako para sa kanya?

Para wala nang gulo ay tumuloy nalang ako sa paglalakad ko at hindi nalang sila pinansin pero sila talaga ang naghahanap ng gulo at hinila pa nila ako papunta sa gitna nila.

“Aray! Ano ba?! Bitawan nyo nga ako!” pagpupumiglas ko sa kanila. Ang dami nila, pito sila tapos ako isa lang.

“Hoy babae! Nakita namin kanina kung makatingin ka kay Bebe Xandra parang papatayin mo sya sa titig ah. Porket pinapansin ka lang ni Papa DJ, assumera ka na!” sabi nung isang babae at tinulak-tulak pa ako.

Marami nang nakakakita sa amin pero parang wala lang pakealam sa nakikita nila. Hello? Kailangan ko kaya ng tulong dito, bullying kaya to.

The Hater And I (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon