Chapter Thirty-three

13K 228 30
                                    

Sorry late and thanks sa support :)

*

-Kath-

 

 

Ibinukas ko ang mga mata ko at tumingin sa paligid. Medyo madilim pa sa labas at nung tingnan ko yung katabi ko ay halos mapatalon ako sa gulat.

“Ahhhhhhh!” napabangon ako at biglang nakaramdam ng sakit sa katawan lalo na dun sa baba... alam nyo na yun.

“U-uh ano? Ha? Bakit ka sumisigaw?!” sabi nya at biglang bumangon at tumayo. Ugh, wala syang suot kaya napatakip agad ako ng mata.

“Ano ba, eyebags?! Magbihis ka nga!” sigaw ko sa kanya at binato yung unan na nasa tabi ko.

“Sus, pakipot ka pa, kung alam ko lang, enjoy na enjoy ka na titigan to ka---”

“Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhgggjhhh!” sumigaw ako at tinakpan ang tenga ko para hindi na marinig yung susunod nya pang sasabihin.

Feeling ko ang laki ng ngisi nya, ramdam ko yun kahit nakapikit ako. Kainis! Bakit pa kasi nya pinapaalala yung mga pangyayari kagabi?! Saka bakit ba yung nangyari?!

“Dumilat ka na, bihis na ko.” sabi nya at dumilat naman ako ng dahan-dahan baka kasi niloloko lang ako at gusto lang nya akong asarin.

Nung nakita kong okay na ay dumilat na talaga ako pero nagulat nalang ako sa sumunod nyang ginawa. Kahit mabilis lang yun parang ang lakas ng impact sa buong sistema ko.

The Hater And I (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon