Chapter Twenty-one

14.1K 222 16
                                    

Hi to Marie Denice Estella(waaah sorry nakalimutan ko na ang un mo). Eto na ang iyong moment.

Dun sa mga characters na lalabas dito, hintay-hintay lang. Hanggang Chapter Fifty to Sixty pa to. Siguro? Basta madami pang mangyayari kaya abangan nyo nalang.

Vote, comment and enjoy. Like, tweet and share na din. :)

*

-Kath-

 

 

November 11. It’s Saturday. Walang pasok. Walang ginagawa. Walang makausap dahil day-off ni manang at hindi na ko mage-expect na kausapin ako ni eyebags dahil war kami ngayon. Kaya eto ako ngayon nakatanga. In short nga-nga.

Umalis din sya kagabi at madaling araw na umuwi at may kasama pang babae. Nakakainis nga kasi hindi ako makatulog dahil sa ingay nung babae. May ginagawa kasi silang milagro. Buti nalang pag-gising ko kanina wala na.

Nasa garden ako sa likod ng bahay. Nakahiga sa duyan habang nakatingala sa langit at binibilang ang dumadaan na ibon. Nakakatanga lang to, ang boring.

8am palang. Mamayang 2pm aalis ako dahil may practice kami para sa play sa school. Feeling ko wala naman kaming magagawa lalo na ngayon at walang pansinan na nagaganap.

“Hoy!”

Napalingon ako kay eyebags na tumawag sa akin. Kung ako man yun.

“Oh?” tanong ko at umupo nalang sa duyan.

“Nasan yung pagkain?”

“Mukha ba kong kaldero?”

The Hater And I (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon