Nami-miss ko yung mga comments nyo. Nasan na kayo? :(
Vote, comment and enjoy.
*
-Kath-
November 22. Friday.
Oh my gosh! This is the day! Play na namin. Nakapag-practice naman kami ng maayos at okay na kami ni eyebags pero hindi ko pa din maiwasang kabahan. Madaming manonood at sabi ng mga teachers may mga special guests na manonood sa play namin kaya doble ang kaba.
Nandito kami sa backstage. Okay na ang lahat, hinihintay nalang namin ang pagtawag sa amin para magsimula. Nakaupo lang ako at hindi mapakali. Kung ano-ano na ang pumapasok sa utak ko.
“Oy Chandie! Bakit mukhang natatae ka dyan? Aba, pigilan mo muna malapit na tayo!” sabi ni eyebags kaya binatukan ko.
Pero nung lumapit sya sa akin at kinausap ako parang medyo nawala ang kaba ko.
“Ang sama mo talaga kahit kelan. Kinakabahan na nga ako eh.” sabi ko at yumuko.
Tumabi sya sa akin at inakbayan ako. Napatingin tuloy ako sa kanya.
“Ano ka ba naman Chandie! Ang Chandie na kilala ko, matapang at hindi kinakabahan. Ikaw pa, galing mo kayang umacting. Pwede ka na ngang mag-artista eh.” sabi nya habang nakatitig sa akin.
Hindi ko tuloy mapigilang ngumiti. Kasi naman si eyebags eh, palaging out of nowhere ang banat. Pabigla-bigla kaya hindi ko tuloy mapigilang kiligin. Parang hindi kasi sya ang eyebags na kilala ko.
BINABASA MO ANG
The Hater And I (Published)
FanfictionI'm his number one hater and who the hell says that 'the more you hate the more you love'? I hate him. Yes. I hate him so much. Yes, believe me.