Chapter Twenty-five

13.6K 222 18
                                    

Dapat po ang ud na to ay nung nakaraan pa kaso nagloko si watty hahaha.

So eto na, dyararan!

Vote,comment, like, tweet, share and enjoy.

*

-Daniel-

 

 

Nagising ako dahil sa ingay na galing sa cellphone ko. Wala sa sariling sinagot ko ito.

“H-hello?”

“DANIEL JOHN FORD PADILLA!!!”

Nagising yata ang diwa ko dahil sa sigaw ng nasa kabilang linya.

“Ano? Ang aga-aga nakasigaw ka na ah!” sabi ko kay Mia, yung manager namin na pinsan ko din.

Tiningnan ko yung wall clock ko at 3:30am palang pala. Kakalipat ko lang dito sa kwarto ko kaninang 12 dahil sa pagtulak sa akin ng payatot na yun. Parang hindi nagkasakit kung makasigaw. Hindi man lang magpasalamat na inalagaan ko sya. Hindi nga ako nakapag-hapunan ng dahil sa kanya. Tsk.

“Pumunta ka dito sa office ko ngayon din! May dapat tayong pag-usapan.” sabi nya sa seryosong tono at binaba na yun.

Minsan lang magseryoso si Mia at alam kong seryosong bagay ang dapat pag-usapan namin kaya sumunod agad ako.

Chineck ko si payatot bago ako umalis. Mukhang ang sarap pa ng tulog. Napailing nalang ako ng maisip ko na naman ang mga na-realize ko kagabi.

The Hater And I (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon