Chapter 7

0 0 0
                                    

Chapter 7

Sana...

Bakit ganun?
Isang salita lang naman yun pero bakit nasaktan ako?

"T-thanks..."Yun nalang ang nasabi ko sakanya habang siya naman ay parang  isang bilanggo na nagsisisi.

Problema neto?
Ako yung na friendzone dito tapos siya ganyan na makareact sa sarili niyang sinabi?

Ang labo talaga ng mga lalake!

Pagkatapos naming kainin ang mga binili namin sa canteen ay bumalik na kaming dalawa sa classroom.Nadatnan ko si Nikky na tahimik sa upuan nya.Siya palang kasi ang tao sa classroom dahil hindi pa bumabalik yung iba.
Malamang tumambay nanaman yung mga yun sa mini park ng school.

Wala pa naman yung teacher namin sa susunod na subject kaya naisipan ko na lapitan sya at sumama naman si Kian.

Tingnan lang natin kung ano ang maitutulong ng isang to!

"Nikky are you okay?"Tanong ko sakanya  pero imbis na sagutin ako ay niyakap nya lang ako.

"Hey what happened?"
Nagulat ako sa ginawa nya pero niyakap ko narin sya.
Hindi nya parin ako sinagot at bumitaw sya sa pagkakayakap sakin.
Napadapo ang tingin nya kay Kian.

"Hoy lalake! Sabihin mo nga sakin kung bakit kailangan nyong bitawan ang isang tao ng pansamantala para matupad ang pangarap nyo?"
Nagulat si Kian dahil sa tanong nya.
Miski ako ay nagulat din.
Baka naman tungkol to sa bf niya?

"Why me?"Naguguluhang tanong sakanya ng lalake at napakamot sa ulo.

"Just answer me."Mukhang maiiyak na ang kaibigan ko kaya nag panic siya.

"M-maybe he has a reason?"

"What the-"naputol yung sinasabi ni Nikky nung nagsalita ulit si Kian.

"What i mean is,guys do ignore or letting go of their lovers because they might be afraid to be distracted for their dreams."Pag uumpisa niya.Kung hindi ko lang siya kilala at nagkataon na aksidenteng narinig ko ang usapan nila ay iisipin ko na philosopher ang isang to.

"Maybe he did it because the weakness of a guy is his girl.That might be some of the reasons why the guys tend to loose their girl temporarily because they want to have space for themselves or maybe he wants to be successful first before he face you.Who knows?."
Tuloy-tuloy na sagot sakanya ni Kian kaya napanganga siya dito.

Pano ba naman kasi English lahat ng yun eh pareho nga kami ng kaibigan ko na dumudugo ang ilong dyan.

"I tagalog mo!"utos nya kay Kian pero napakamot ito sa batok niya nagpapakita na hindi siya sanay mag tagalog.

"I can't.I'm sorry"Paghingi niya ng tawad dito.

Napatigil ang kaibigan ko dahil sa narinig at parang may na realize.

"Teka! Teka! Bakit tayo napunta sa relayson? Pano nyo nalaman?"Pag aakusa nya samin pero umiling lang ako sakanya.

"Sus! Matagal na tayong magkakilala te! Kaya alam ko na tungkol yan sa Agriculture mo no?"panunumbat ko sakanya.

Napalitan ang gulat niyang ekspresyon ng malungkot na mukha.Huminga siya ng malalim at mukhang pagod.

"Yeah.Nag usap kami kanina at sabi nya bigyan daw muna namin ng space ang isa't isa dahil mag co-college na sya."Nakayuko nyang sagot sakin.

"Hindi naman sya nakipag hiwalay sakin sadyang ako lang talaga ang overthinker.Sinabi nya sakin na sana pagbalik nya ay nandyan parin ako."
Pagpapatuloy nya pa.

"Sorry..."yun lang ang salitang lumabas sa bibig ko.
Na gu-guilty ako dahil ako ang kaibigan nya pero di ko manlang alam ang nangyari sakanya.

"Ano ka ba! Its okay I'm fine."Hindi ko pinansin ang sinabi niya at niyakap ko nalang siya.

First Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon