Chapter 16

1 0 0
                                    

Chapter 16

"Love triangle?"











Hindi ko alam kung pano pero nagiging close narin kami ni Kim.Well minsan tumatabi siya sakin pero palagi nalang siyang naaabutan ni Kian kaya napapa alis siya dahil upuan ni Kian ang inuupuan niya.Napapansin ko rin parang masama ang tingin ni Kian kay Kim pero hindi ko alam kung bakit.Siguro dahil inuupuan ni Kim ang seat niya?Ang baba naman nun kung ganun pero alam ko na hindi yun ang dahilan ni Kian dahil hindi siya mababaw na klase ng tao.











"Uy sis alam mo ba na mamaya na ang dating ng transferee.Hindi daw natuloy kahapon dahil late na daw siya."Chika sakin ni Nikky habang naglalakad kami sa school field.Hindi pa class hours dahil napa aga kaming dalawa dito.










"Babae ba yung transferee?"
Tanong ko sakanya at sinagot din naman niya.






"Oo daw sabi ni Mommy at tsaka maganda din daw at matalino ng konti."Napangiwi siya nung binanggit niya yung huling salita na 'konti'.






Natawa nalang ako sa reaksyon niya at nung nakabawi na ay nag tanong ulit ako.Kaya sakanya ako nagtatanong dahil alam niya lahat ng information ng mga estudyante na pumapasok dito at higit sa lahat ay anak siya ng may ari ng school na pinapasukan ko.








"Pwede yun kay Kian.Mga ganyan naman siguro ang tipo niya.Teka ano bang pangalan nun?"Tanong ko sakanya na ikina kunotnng noo niya.
Bakit ganyan siya?
Wala namang mali sa tanong ko ah?







"Seryoso ka teh? Diba nga gusto mo siya pero bakit mo siya irereto sa iba ha? Nandyan pa ba utak mo o baka naman naiwan mo pa sa bahay nyo?"Dire-diretso niyang tanong sakin.










"Sagutin mo nalang kasi ang tanong ko.Ano bang pangalan niya?"Tanong ko ulit kaya wala na siyang nagawa at huminga ng malalim bago ako sagutin,senyales na sumusuko na siya.








"Yun ngalang...hindi ko alam eh.Pero don't worry magpapakilala yun mamaya sa klase dahil sa section natin yun babagsak kaya don't worry."Sagot niya sakin.






"Okay."Simpleng sagot ko.







"Ngayon ako naman ang sagutin mo.Bakit ba gusto mong ireto sa iba ang taong gusto mo ha? Nababaliw ka na ba?"Di makapaniwalang tanong niya sakin kaya napayuko ako.





"M-mas mabuti na yun para mawala ang nararamdaman ko sakanya.Pag naging sila na ay baka mawala narin ang nararamdaman ko sakanya para kung magkita kami ulit ay wala na akong aalahanin pa dahil wala na akong nararamdaman sakanya."Paliwanag ko sakanya.Mahirap,kahit alam ko na mahihirapan ako ay kakayanin ko.Ikaw ba naman ireto mo sa iba ang taong gusto mo hindi ka ba masasaktan? Ano ka manhid?





"Sigurado ka ba? Baka yan ang maging dahilan para magalit siya sayo.Alam naman nating dalawa na hindi mababaw na tao si Kian para magkagusto sa taong nirereto sakanya."Sagot niya sakin.





"Alam ko yun pero wala naman sigurong masama kung susubukan ko diba?"Naninigurado kong tanong sakanya.









"Hindi ko rin alam pero sana panindigan mo yang desisyon mo kapag naumpisahan mo na dahil kapag nagawa mo na yan ay hindi ka na pwedeng umatras pa."Payo niya sakin.Alam ko naman yun.Pero sana makaya ko.Ginagawa ko lang naman to para mawala na ang nararamdaman ko sakanya at baka kapag naging sila na bago ako maka alis ay madali na akong makakalimot sa nararamdaman ko sakanya dahil ayokong makaramdam ng guilty na kaibigan ko siya pero nagawa ko siyang magustuhan in a romantic way.Selfish decision man ang gagawin ko pero may dahilan naman ako.Yun ay ang makalimutan at mawala ang nararamdaman ko sakanya bago ako umalis at para hindi masira ang pagkakaibigan namin.







First Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon