Chapter 13

0 0 0
                                    

[Trigger warning:Strong Languages,abuse, suicide attempt.]

Chapter 13

A storm?

Nang maayos ko na ang mga gamot ay napag desisyunan ko na bumalik sa mga tukmol.
Nadatnan ko sila na seryosong nag uusap pero nung makita nila ako ay parang walang nangyari.

Hindi ko tuloy narinig ang chismis nila!

"Pina inom mo siya ng gamot?"Di makapaniwalang tanong sakin ni Angelo.

Big deal lang?

"Malamang! Alangan naman painumin ko siya ng dextrose."
Pabalang na sagot ko sanakanya pero mas lalong lumaki ang mata niya.

Mahulog sana ang mata niya.

Ano ba ang big deal sa pag papainom ng gamot sa kaibigan niya?

"Alam mo ba na hindi yan umiinom ng gamot kahit mamatay na siya?"
Di makapaniwalang alintana niya sakin pero yung dalawa ay nakikinig lang samin.

"Ha? Pano nangyari yun? Eh doktor ang mom niya diba?"Tanong ko rin sakanya.

"Yeah his mom is a doctor but will you believe if I tell you right now  that even his mom can't make him drink a medicine?"Sagot naman ni Carl sabay turo kay Kian pero nag kibit balikat lang ito sakin at ngumiwi.

"May allergy ka ba sa gamot?"Wala sa sarili kong tanong sakanya.Kinabahan kasi ako.Pano kung may allergy pala siya? Baka mapatay ako ng mom niya pag nagkataon.

"I don't have allergies except...."Pabitin amputs.

"Except?"

Seryoso niyang tumingin sakin bago nagsalita.

"Shrimp.I have an allergy in shrimp."Simpleng sagot niya sakin.

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil dun.
Tatanungin ko na sana siya kung bakit ayaw niyang uminom ng gamot kahit ang mom niya pa ang mag painom sakanya pero naputol ang sasabihin ko nung sumulpot si Nikky sa pintuan ng clinic at hinihingal.

"Teka! Bakit-"

"Bessyy!!"Sigaw niya sakin kaya napatingin kaming lahat sakanya.

"Uy panda! anong ginagawa mo dito?"Pang aasar sakanya ni Angelo pero inirapan niya ito bago patulan.

"Manahimik ka Gomez at baka ipa expel kita."
Pagbabanta niya dito kaya nag peace sign naman ang gago.

"To naman di na mabiro."Pag aalo sakanya ni Angelo.

Ikaw ba naman bantaan ng anak ng may ari ng school na pinapasukan mo na ipapa expel ka di ka ba kakabahan?

Sayang yung gastos ng mga magulang mo nun!

"Bakit hinihingal ka?"Tanong ko sakanya.

"Yun na nga eh! Nag text yung Mama mo pero iniwan mo yung cellphone mo sakin kaya tinignan ko."Pagpapaliwanag niya.

"Anong sabi?"Bakit naman mag te-text si mama sa ganitong oras? Work hours nila ngayon ni papa kaya imposible na mag text siya pwera lang kung importante.

"Nasa airport na daw sila at magkita nalang daw kayo mamaya pag uwi mo pero knowing You,Alam ko na na miss mo sina tito at tita kaya excuse ka nalang din whole day ako na ang nag asikaso."
Paliwanag niya ulit sakin.

Sabi ko na ngaba eh!

May mali.

Hindi naman sila uuwi ng basta basta dahil aabutin ng ilang buwan ang project nila sa Belgium bago ito matapos.

First Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon