Chapter 24

1 0 0
                                    

Chapter 24

"Congratulations"






Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko iyon mula sakanya.
Its Rose.Siya ang nag sabi nun sa mga kaklase namin.

Napansin siguro ng mga kasama ko na napahinto ako kaya hinawakan nilang dalawa ang magkabila kong kamay at kinaladkad sa upuan ko habang nakatulala lang ako.

Kailangan pigilan kong maiyak dahil makakahalata ang lahat kaya pinilit kong ngumiti kay Kim nung batiin niya ako pero napa alis siya sa harapan ko nung nilapitan ako nina Carl at Angelo.

"Are you okay?"Bungad sakin ni Carl kaya tumango ako habang kinakagat ang labi para pigilan ang pag iyak.
Bskit ba ako nagkakaganito?
Akala ko ba crush lang to?

Bwesit na pakiramdam to!

"Sigurado ka? Malungkot yang mukha mo oh!"Pamimilit ni Carl.Pansin ko lang na parang may gusto silang sabihin o siguro may gustong tanungin pero hindi nila magawa.Kanina pa kasi sila nagtitinginan simula nung marinig namin ang sinabi Rose and speaking of her,ayun pinapasikat ang naging 'date' kuno nila ni Kian kahapon.

"Ayos lang ako.Wag kayong mag alala.M-malubgkot lang ako kasi ano n-namatay yung alaga kong pusa.Tama!k-kanina lang."Paliwanag ko sakanila pero mukhang hindi kumbinsido si Angelo.Magsasalita sana siya pero pinutol ni Carl ang sasabihin niya.

"Sigurado ka ba? Diba alle-"

"We're sorry.Ahm w-we didn't know about it."Pagputol ni Carl at pinaningkitan ng mata si Angelo kaya mukhang naintindihn niya ang ibig sabihin nito.May alam sila na hindi ko alam.Pero hindi ko alam kung ano yun dahil hindi nila pinapa alam sakin.
Hindi kaya may alam sila sa nararamdaman ko para sa kaibigan nila?

Shett naman!

Kinwentohan lang nila ako ng kung anu-ano tungkol sa mga naging alaga nila na namatay pero wala akong naintindihan dahil nakatuon ang atensyon ko kay Rose na kausap ang iba kong kaklase tungkol sa naging date nila kahapon.Ewan ko ba kung bakit interesado ako dun kahit nasasaktan lang naman ako.Para akong tumutulong na ipunin ang mga karayom na sakin lang din naman gagamitin.

Narinig ko na pinayungan daw siya ni Kian,Nilibre sa isang restaurant,Nag share ng earphones para pakinggan ang favorite playlist niya at todo tili naman ang mga kaklase namin.Nakakatawa lang dahil ganyan ang gawain namin noon.Nung maayos pa kami at maayos pa ang lahat hindi tulad ngayon

"Hey Sarah,are you with us?"Biglang tanong sakin ni Carl kaya napatingin ako sakanila.Nakokonsensya ako dahil dini-distract nila ako para hindi malungkot dahil sa kasinungalingang ginawa ko tapos hindi naman ako nakikinig.

"Ha? Ah pasensya na kayo sakin.Sadyang walang kwenta lang ako ngayon."Sabi ko sakanila at yumuko saka tumawa ng pilit.

"Naiintindihan ka namin.Basta tandaan mo na nandito lang kami para sayo okay?"Na touch ako sa sinabi niya kaya tumango ako.Napakaswerte ko na nadagdagan ang mga kaibigan ko na gaya nilang dalawa.Hinding hindi ko sila makakalimutan kahit aalis na ako dahil sisiguraduhin ko na babalik ako dito.Babalik ako para sakanilaKapag maayos na ang lahat.

"Salamat sa inyong dalawa."Nakangiti kong sagot pero totoong ngiti na yun dahil sincere talaga ako.Pagkasabi ko nun ay hinawakan nila akong dalawa sa balikat.

Napatingin kaming lahat sa may pintuan nung nag tilian ang mga kaklase ko.Nakita ko siya na nakatayo dun at malamig nanaman ang ekspresyon ng mukha.Para akong naging yelo sa kinauupuan ko nung tumingin siya sakin  saka sa mga kamay nina Carl at Angelo na nakahawak sa balikat ko.
Pero imbis na alisin nila ang hawak sakin ay hinaplos nilang dalawa ang ulo ko gaya ng ginagawa ni Kian noon kapag malungkot ako.

First Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon