Chapter 9

1 0 0
                                    

Chapter 9

Mahal na ba?


"Kamusta ang buhay na mag-isa?"Tanong sakin ni Nikky.Naglalakad kami ngayon sa lobby papunta sa classroom namin at kinakamusta niya ang pagiging mag isa ko.Pero di naman kasi yun literal na mag isa lang ako dahil kasama ko naman si manang Aring.

Limang araw na ang lumipas simula nung umalis ang  mga magulang ko papunta sa ibang bansa at masasabi ko na....

I'm so lonely mga beh!

Lalo na ngayon dahil day off ni manang.In short mag-isa ako sa bahay.
"Okay lang naman."Simpleng sagot ko sakanya at hindi na siya nagsalita pa.Pansin ko lang sakanya na medyo may pagkatahimik ang kaibigan ko ngayon at mukhang pasan na niya ang mundo.Well ikaw ba naman ma call-off ng biglaan ano mag papa-party ka pa?

Hindi ko nga rin alam kung bakit yun ginawa ng boyfriend niya eh.Mabait naman si Nikky at higit sa lahat seryoso siya pagdating sa pag ibig.Yun bang tipo ng babae na date-to-marry.Ganun siya at syempre as her bestfriend ganyan din ako.Ayoko na tinuturing lang ako na pang flex sa mga barkada no!

Gusto ko kapag nagmahal ako ay panghabang buhay na.I hate breakups and i hate separation.Pero hindi muna ako magmamahal sa ngayon dahil sa sitwasyon ko at lalong lalo na hindi dapat sa maling tao.

Speaking of him nadatnan ko siya sa classroom namin na nakatalikod sa pinto at mukhang nagbabasa.
"Morning."Bati ko sakanya pero hindi siya sumagot at nakatalikod parin sakin hanggang sa pag upo ko.Naramdaman niya siguro na may tao sa tabi niya kaya humarap siya sakin at tinanggal ang isa sa earphones niya.

Kaya naman pala hindi ako narinig eh!

"Oh good morning."Bati niya sakin pero inirapan ko siya.
"What's with that face of yours?"Nagtataka niyang tanong sakin.
"Morning."walang gana kong sagot sakanya.

Pakiramdam ko ay nawala ang dignidad ko nung hindi niya ako sagutin kanina kahit alam ko naman na hindi niya yun sinasadya dahil may naka lagay na earphones sa tenga niya.


But still...

Wag na nga!Wala namang kwenta yung dahilan ko.Hindi ko rin alam kung bakit napaka moody ko ngayong araw.Wala naman ako ngayon eh.
Pinakiramdaman ko kung ang sarili ko pero wala naman akong nararamdaman na kakaiba parang normal lang naman.
Epekto lang siguro to ng walang breakfast.

"Did someone stole you something?"Tanong niya sakin kaya napataas naman ang kilay ko.

"Just kidding.."Natatawa niyang sabi sabi sakin kaya inirapan ko siya.Bakit happy ang isang to?

"...taray mo."Dagdag niya pa at natawa sa sarili niyang sinabi at ibinalik ang earphones niya.

Sabihan ba naman akong mataray?
Aba't sumusobra na ah!
Porket crush ko siya!

Opppsss nadulassss.
Pero seriously,Crush ko na siya hindi ko rin alam kung bakit pero na realize ko nalang na crush ko siya.
Siguro dahil gwapo siya?
Matalino? Friendly?Mahilig sa palamig?
Ewan ko! Basta crush ko na siya at dapat hindi na yun lumalim pa dahil ayoko na masira ang pagkakaibigan namin.

Mapangiti ako sa sarili ko nung may naisip akong kalokohan.Hindi ko siya pwedeng mahalin pero pwede ko naman siguro siyang pagtripan diba?

Tumingin ako sakanya at bigla ko nalang kinuha yung isa niyang earphone at sinutsot ko yun sa tenga ko at sumandal sa upuan.
Tinignan ko siya at kita ko na nagulat siya sa ginawa ko pero ngumiti nalang siya sakin.

Oh i think that i found my self a cheer leader.

She is always right there when i need her.

First Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon