Chapter 25

1 0 0
                                    

Chapter 25

"Last Day"



Bumilis ang mga araw  at hindi ko namalayan na bukas na pala ang alis ko.Hwebes ngayon kaya may pasok pa ako.Ito na ang huli kong pasok sa school na to kaya nakakalungkot.

Sa loob ng mga araw na yun ay hindi kami ginugulo ni Danika.Pero imbis na matuwa ako ay mas lalo akong kinabahan na baka meron nanaman siyang masamang pinaplano.Tuloy ang alis ko kahit lumantad na ang katotohanan tungkol sa mama ko.Napagdesisyunan nila sumunod sakin dun sa US kasama sina lola at lolo.Hindi na daw matutuloy ang pagbisita namin sa mansyon nila dahil naghahanda daw para sa alis ko bukas at sa pagsunod nila dun.

"Hoy! Ano nanaman ang sinusulat mo?"Napatayo ako sa kinauupuan ko dito sa canteen dahil sa sigaw ni Angelo.Napatingin tuloy ang ibang estudyante samin dahil sa ginawa niya at ang kasama niya naman na si Carl ay tawa nalang ang ginawa.

"W-wala to! Istorbo ka talaga kahit kailan!"Suway ko sakanya.Sa loob ng ilang araw na kasama ko silang dalawa ay hindi nila nakakasama si Kian dahil palaging naka buntot dito si Rose at niyayaya na kumain sa labas kaya hindi ito nakakasabay samin gaya ngayong lunch time.Kasama niya si Rose at kakain daw sila sa labas dahil sa hindi ko alam ang dahilan.Yung dalawa niyang kaibigan na sina Carl at Angelo ay Hindi na niya masyadong nakakasama dahil sa babaeng yun.Kaya heto! Kaming tatlo lang ang magkakasama sa canteen.Hindi ko na inisip na pumunta sa dati naming tambayan dahil ayokong makita ang lugar na yun.Medyo okay narin kami ni Kian pero nakakaramdam parin  ako na parang may gap sa pagitan naming dalawa sa tuwing magkasama kami.

"Kung ano-ano nanaman 'yang sinusulat mo.Ilang araw ka ng ganyan ah?Para kanino ba yan?"Tanong sakin ni Angelo at umupo sa tabi ko kaya tinago ko agad ang mga sulat na yun dahilan para mapanguso ito.

"Ang damot!"Kantyaw niya sakin pero pabiro ko siyang inirapan at natawa sa naging reaksyon niya.

"Are you writing a love letter or something?"Tanong sakin ni Carl kaya napawi ang tawa ko.
"Well hindi.Basta! Malalaman nyo rin balang araw,maghintay lang kayo malapit na talaga."Dahilan ko at mukhang nakumbinsi naman sila.

Kung alam nyo lang na para sa inyo to.Gusto ko yung sabihin sakanilang dalawa pero hindi pwede.Tanging si Nikky lang ang nakakaalam na aalis ako at para sa kanila ang mga sinusulat kong 'to.Yes,Para ito sakanila dahil hindi ko ito kayang sabihin sakanila ng harapan at baka umiyak lang magawa ko.
Mahirap iwan ang mga tao na mahalaga satin at para sakin isa na ang dalawang tukmol na to.Kahit sobrang kulit at madaldal si Angelo ay mahal ko parin siya bilang kaibigan at mahalaga siya sakin.Si Carl naman ay kahit palaging seryoso at englishero ay mahal ko din bilang kaibigan at mahalaga rin siya sakin.Masaya ako dahil nakasama ko sila kahit sa ganito kadaling oras lang.

Balak kong ilagay ang mga sulat na to sa locker nila bukas sa oras na paalis na ako at saktong hapon ng biyernes bukas.Masakit? Syempre Oo, dahil maiiwan ko sila ng hindi manlang nagpapaalam ng maayos pero sana maintindihan ang sitwasyon ko balang araw.

Si Kian naman ay napapadalas ang pagsama kay Rose kahit mukhang masama ang timpla ng mood araw araw.Para bang napipilitan lang siya or something,pero wala na akong pakialam dun dahil buhay niya naman 'yun at wala akong karapatan na pagsabihan siyang iwasan si Rose.Sino ba naman ako kundi isang hamak na kaibigan lang diba?

Gumawa din ako ng sulat para sakanya pero naisip ko na tutal aalis lang din naman ako ay napagdesisyunan ko na tula ang ialay ko para sakanya.

"You sounds like you're going to leave.Are you leaving?"Takang tanong sakin ni Carl kaya nagulat ako.Hindi dapat nila malaman na aalis ako dahil patay ako kay Mama!

"Aalis? Duh! Saan naman ako pupunta? Don't worry hindi ko kayo iiwan.Kahit mukha kayong tukmol ay mas pipiliin ko na kasama kayo no!."Para tinutusok ng karayon ang dibdib lo habang sinasabi ko yun sakanila.Nagsinungaling nanaman ako at imposible nalang talaga na mapatawad nila ako.Pinilit ko ang sarili ko na kumilos ng normal kahit nanginginig na ako sa sobrang takot.Takot na baka malaman nila ang totoo o kaya maglit sila sakin.

First Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon