Chapter 4

1 0 0
                                    

Chapter 4

Why do people feel scared of admitting their true feelings?
Yan nalang ang tanong ko sa sarili ko dahil sa nangyari kagabi.Tanga nga kung tanga pero big deal kasi sakin ang nga ganyan lalo na at may pagka marupok din ako.

I mean madali kasi akong ma-attract sa mga lalake na mabait sakin.Di ko alam pero siguro natural lang yun sa mga tulad ko na wala pang experience sa love?
Di ko rin alam pero sana kung its a prank lang tong nararamdaman ko ay sana tumigil na.Ayokong matulad sa mga kakilala ko na umiyak dahil lang sa pag ibig na yan.

"Oh tinganggap mo ba?"Tanong sakin ni Nikky habang tumatambay kami sa mini park ng school namin dahil hinihintay namin na mag bell bago pumasok kasi mag chi-chismis pa kami.
Sinadya talaga namin na pumasok ng maaga para matagal din matapos ang chismisan namin.

Tumingin muna ako sa wrist watch ko bago ko sya sinagot para malaman ko kung anong oras na and good thing 20 minutes pa before our class starts.
"Yup"tipid kong sagot sakanya dahilan para tumaas nanaman ang kilay nya.
"Kilig ka naman?"Pang uusisa nya sakin pero di ko nalang yun pinansin at inirapan ko nalang.

Sa isang tulad ko na napakabata pa ay masasabi ko na wala pa akong plano sa mga ganyan.Ang bata ko pa kaya! Di pa nga ako senior highschool eh!

Pero maniwala ka man sa hindi,in a relationship na ang status ng bestfriend ko na yan kaya grabe makapag bigay ng advise.

Nagkwentuhan nalang kami ng ibang mga bagay na pwedeng pagchismisan hanggang sa di na namin namalayan na may mahal na pala syang iba-este mala-late na pala kami.
Shunga naman oh Science pa naman ang first subject namin at may long quiz pa pala kami na ngayon ko lang naalala.

"Bilisan mo naman di pa kaya tayo nag review!" Reklamo sakin ni Nikky.Aba sinisi pa ako eh sya naman yung maraming na chismis sakin kanina!

Di ko nalang sya pinansin at tinawanan nalang.
"Palibhasa kasi may stock knowledge kaya pa tawa-tawa ka lang".Sumbat nya sakin.
Fist quarter kasi ngayon at ang lesson namin ay about sa mga Tectonic plates.
Matalino din naman si Nikky eh at masasabi ko na sakto lang yung sakin.Tamang review at online games lang ay okay na.

Mabuti nalang at wala pa si Maam Science pag dating namin.Kaya maam Science kasi yun ang subject nya samin.Well nakasanayan na namin na ganyan ang tawag namin sa mga subject teacher namin.Kagaya ng Maam English,Maam Filipino,Sir Math or Sir Mathematics mga ganyan lang and good thing okay naman sa mga teacher namin ang ganyan.

Nauna nang pumasok si Nikky sa classroom namin dahil chineck ko muna ang bag ko para tingnan kung nadala ko ba ang reviewer ko at mabuti nalang talaga at nadala ko.

Pagkapasok ko ay nakita ko si Kian sa may katabi kong upuan na nakahiga ang ulo nya sa armrest ng upuan nya.
Naramdaman nya siguro na may umupo sa tabi nya kaya napabangon sya sa pagkakahiga.

"Good morning"Bati ko sakanya at ngumiti din sya sakin bago ako binati pabalik.
"Good morning sayo"Nagulat pa ako sa biglaan nyang pagsalita ng tagalog.Di kasi ako sanay or should I say,this is the first time na nagsalita sya ng tagalog kahit isang word lang.Aaminin ko nakakakilig sya mag salita ng tagalog.

Sa ilang linggo namin na magkakilala ay puro English na mga salita ang naririnig ko sakanya kahit dumudugo na ang ilong ko ay pinipilit ko parin syang intindihin.

Di rin kasi maipagkakaila na gwapo sya at mukhang may lahing foreigner dahil sa itsura at mata nya.
He has a  brown eyes and a pointed nose.

"First time yata to ah?"Panunumbat ko sakanya habang nakangiti.
"What do you mean?"Tanong din nya sakin.

"This is the first time na nagsalita ka ng tagalog."Sabi ko sakanya habang pumapalakpak ng mahina.
Well wala namang pumapansin samin dahil halos lahat ng classmates ko ay may mga sariling mundo.

First Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon