Chapter 10

1 0 0
                                    

[Trigger warning: Strong Languages]

Chapter 10

Dreams

Sabi nila ang kasiyahan daw ay may kapalit na kalungkutan.Kung gaano mo daw nalasap ang saya katumbas din nun ang kalungkutan na kapalit.Hindi ko alam pero mukhang naniniwala na ako dun.
Yung tipong may kapalit na kalungkutan ang saya na nararamdaman mo?

Sabado ngayon kaya wala akong pasok at napagdesisyunan ko na maglinis ng bahay tutal mag isa lang naman ako at 3 days from now pa ang balik ni manang Aring.Hindi muna ako nag luto ng breakfast dahil tinatamad ako.

Nung matapos akong maglinis ay nakatanggap ako ng text mula kay mama.

My mama😘:

Princess mag face time tayo!free time namin ng papa mo ngayon!(⁠^⁠^⁠)

Ganyan ka sweet si mama pagdating samin ni papa pero kay lola?
Hindi siya ganyan.Yung tipong dapat niyang ipakita na malakas siya.Na parang hindi siya malaya na ipakita ang soft side niya sa sarili niyang ina.Naawa nga ako sakanya dahil dun.
Napangiti ako dahil sa text niya kaya in-open ko ang face time ko sa ipad.

"Hello anak! We miss you!"
Bungad agad sakin ni mama at nakita ko si papa sa tabi niya na todo ang ngiti sakin.

"Hello ma! Miss ko din po kayo ni papa!"Nag dadrama kong bati sakanila.

"Princess look what I've got"Proud na hamon sakin ni papa na todo ang ngiti at mukhang excited.

"Ano po yun?"Curious kong tanong sakanya.

"Here!"Pinakita niya sakin ang isang box ng chocolate.
Lumiwanag ang mata ko dahil sa nakita ko at ngumuso.

"Papa naman! Kailan pa ba kayo uuwi? I want that chocolate!"Pagmamaktol ko pero tinawanan nila ako.

"Ah ah ah! Did you cook your own food? Nabanggit sakin ng mom ni Nikky nung ni request ko na ipasabay ka pauwi na may emergency daw na nagyari kay manang.Eh hindi ko naman natanong kung ano yun dahil busy ako.May nangyari ba anak?"Nag aalalang tanong niya sakin.

"Na ospital daw po kasi ang anak ng kaibigan niya at walang magababantay kaya siya nalang daw muna."
Paliwanag ko sakanila at napatango naman si mama habang si papa ay inuumpisahan nang buksan ang chocolates na hawak niya.

"Pa! Akin nalang po yan!"
Reklamo ko sakanya pero umiling siya at mukhang nang aasar.

Isipin niyo man na parang i-mature ako pero paraan ko yan ng paglalambing at naging bahagi na ng bonding namin as a family ang mag asaran.

"Nagluluto ka ba ng pagkain mo anak? Wag kang umasa lagi sa instant noodles marunong ka naman mag luto."Pa nenermon niya sakin.

"Oo na po heto na nga oh nag luluto na ako ng breakfast ko."turo ko sa frying pan namin dahil dun ako nagluluto ng itlog at fried rice.

"Anong oras na ba dyan?"
Tanong sakin ni mama kaya napatingin ako sa wall clock at napakamot sa ulo.

Gosh! 10 am na at nagluluto palang ako ng breakfast.

Paktay!

"I know that face Sarah Acosta."
nagbabantang tono sakin ni mama kaya napangiti ako ng mapait.

"10 am na po ma."Yun nalang ang nasabi ko habang napakamot sa ulo.
"Sabi ko na ngaba eh! Late ka nanaman nag uumagahan."
sermon niya sakin kaya nag sorry na ako at nilambing silang dalawa.

"Tingnan nyo oh marunong naman ako magluto kulang nalang sakin asawa."
pagbibiro ko sakanila.

"Wag muna asawa anak boyfriend muna para maturuan kang mag luto ng tama sa oras."Pang aasar sakin ng papa ko kaya napasimangot ako.

First Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon