Chapter 20

0 0 0
                                    

Chapter 20

"Numb"







Linggo ngayon at hindi parin ako lubusang magaling.
Sumasakit parin ang ulo ko at minsan ay nahihilo.Hindi parin nawawala ang lagnat ko dahil mainit parin ako.Nakahiga ako ngayon sa sofa at nanood ng TV na tulala.Hindi ko naiiintindihan ang pinapanood ko dahil tulala lang ako.Nandito sina mama at papa dahil wala silang trabaho ngayon.Nasa kusina sila at nagluluto ng hindi ko alam.









Natapos ang palabas na wala akong maintindihan sa pinanood ko.Siya ang pumapasok sa isip ko kaya hindi ako maka concentrate sa mga ginagawa ko at todo ang pindot ko sa remote para i-off  ang TV pero hindi parin ma-off kaya pinipindot ko parin hanggang sa lumabas si mama mula sa kusina.













"Anak baka sumabog yung TV natin sa sobrang lakas ng volume."Sita niya sakin kaya natauhan ako sa ginagawa ko.Ang lutang ko na talaga.










"Sorry po."Panghingi ko ng tawad sakanya.








"Tulala ka nanaman.
Mamasyal ka muna sa labas kasama si Nikky para ma libang ka."Offer niya kaya pumayag naman ako.







Mas mabuti nga yun para malibang ko ang sarili ko at para narin mapagpawisan.








Nag text ako kay Nikky at inaya ko siyang lumabas pero tumanggi siya dahil nasa Tagaytay sila ng mga parents niya para sa company nila.Isa lang ang ibig sabihin nito,mag isa akong lalabas.
Nakakatawa lang na isipin kasi ako lang yata sa classroom namin ang walang kinalaman sa bussines.










"Nasa Tagaytay po sila ng parents niya Ma.Ako nalang po mag isa ang lalabas."
Paalam ko pero tumanggi siya.









"Hindi ka pwedeng lumabas mag isa Sarah.Hindi ka pa masyadong magaling at baka kung ano ang mangyari sayo sa daan."Nag aalalang alintana nito kaya niyakap ko nalang siya.









"Ma,hindi naman po ako pupunta sa kung saan-saan.
Dyan lang naman ako sa convenience store o kaya sa park para tumambay sa stall nina ate Kara."
Pangungumbinsi ko sakanya at bumigay naman siya kaya pinayagan niya akong lumabas.












Nandito ako ngayon sa convenience store na malapit sa park para bumili ng icecream.Dumiretso na agad ako dito kaya naka pambahay lang ako na Oversized black t-shirt at maong shorts na above the knee.Naka messy bun ang buhok ko para maging komportable ang pakiramdam ko.










Bumili lang ako ng ice cream  dun at napagdesisyunan ko na lumabas na pero nagulat ako nung pagkalabas ko ay umuulan na pala.
Hindi ko manlang napansin wala pa naman akong dalang payong.Naghintay ako na tumila ang ulan at habang ginagawa ko yun ay kinain ko yung binili kong ice cream.










Malas naman oh!
Naubos na yung kinakain ko hindi parin tumitila ang ulan.
Bahala na tutal hindi ko naman dala ang cellphone ko at tanging wallet ko lang naman ang nadala ko ay magpapaulan nalang ulit ako.
Bahala na kung magkasakit ulit basta gusto konang umuwi.








Sinubukan kong umalis sa pinagsisilungan ko para magpa basa muna bago lumusog sa ulan pero walang tubig na pumatak sakin kaya nagtaka naman ako dun.
Naramdaman ko na may tao sa likod ko kaya kinabahan ako and at the same time nakaramdam ng saya.Akala ko magagalit siya sakin ng sobra pero heto pinapayungan niya ako.Napangiti ako dahil dun pero parang binagsakan ako ng langit nung nilingon ko kung sino yun.Umasa nanaman ako na siya yun pero hindi.Nakita ko si Carl na nakangiti sakin at mukhang concern.Si Carl ang nagpayong sakin kaya hindi ako nabasa ng ulan.Nalungkot naman ako dahil in-expect ko pa naman na siya yun pero hindi.Ano to? Expectations vs. Reality?









First Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon