Chapter 26

0 0 0
                                    

Chapter 26

"New life or New problem?"








Its been 2 week since nag stay ako dito sa US.Property ni papa ang tinitirahan ko dito kaya wala akong problema sa mga bayarin.Nag aaral narin ako sa bago kong school at nagkaroon din ng mga kaibigan pero syempre iba parin sina Angelo,Carl at Nikky.Speaking of them,namimis ko na sila.Hindi parin ako makapaniwala na may gusto pala sakin si Carl.






Nakakalungkot lang dahil birthday ko ngayon at magnisa lang ako.




Nandito ako ngayon sa library ng school para magbasa ng libro bago umuwi.
Tapos na ang klase ko at napag desisyunan ko na dumaan dito.Ang hirap mabuhay ng mag isa lalo na kung wala kang communication sa mga taong mahahalaga sayo.May bago akong cellphone at wala akong social media accounts dahil ayaw ko muna mag karoon ng distractions.Binago ko narin ang number ko para secure.








Pagkatapos ko sa library ay napagdesisyunan ko na umuwi na.
Ginabi na ako dahil nilakad ko lang daan pauwi.Malapit lang kasi ang bahay na tinitirahan ko sa school pero di gaya sa pilipinas,Mas malapit ito.Malamig sa labas kaya minadali ko nang umuwi.Nag aadjust parin kasi sa bagong lugar na to dahil napakalaki ng pinagkaiba nito sa klima sa totoo kong lugar.Kahit dalawang linggo na ako dito ay parang gusto ko nang umuwi agad.Namimis ko na ang mga parents ko pati sina lola at lolo.






Sila lang ang laman ng contacts ko at wala ng iba pa.Namimis ko na sila dahil hindi parin sila nakakarating dito.Nung huli kong tawag ay nasa Tagaytay daw sila at mula roon ay dederetso na sila dito pero hanggang ngayon ay wala pa sila.










"I can do this!"Sabi ko sarili ko habang nagluluto ng instant noodles para sa dinner.Wala akong gana na kumain ng kung ano-ano ngayon kaya yun ang napili kong kainin para mainitan ang tyan ko.Hindi ko na naisip na mag celebrate ng birthday ko dahil mag isa lang naman ako at naisip ko na mag celebrate nalang kapag nandito na sina Mama at Papa pati narin sina lola at lolo.








Pagkatapos kong kumain ay iniligpit ko na ang lahat at napagdesisyunan ko na magpahinga nalang.11:40 pm na dito sa New York.Kaya ako inabot ng ganyang oras dahil gumawa pa ako ng homework ko para bukas.







Pipikit na sana ako pero biglang tumunog ang cellphone ko sa may bedside table kaya bigla ko itong kinuha.Napangiti ako nung makita ko na si Papa pala ang tumatawag.







"Hello pa?"Tanong ko pero puro iyak at mga ingay ang narinig ko mula doon.
"H-helo bes? S-si Nikky to."Umiiyak na pagpapakilala sakin ni Nikky kaya napatayo ako.











"Nikky? A-anong nangyayari? Bakit ka umiiyak?"Tanong ko sakanya kaya mas lalo itong naiyak na ikinabahala ko.Nanginginig ang kamay ko sa sobrang kaba kung ano man ang maaari niyang sabihin pero pinagdarasal ko na sana mali ang iniisip ko.







.
"N-naaksidente sina tita at tito kasama ang lolo at lola mo."Bigla akong nanghina sa sinabi niya.









"ANO? KAMUSTA NA SILA?"Umiiyak kong tanong habang inaayos ang mga importanteng dokumento paalis.
Pupuntahan ko sila!








"Critical ang lagay ng mga parents mo...p-pero ang lolo at lola mo...."Nabitawan ko ang hawak kong mga papeles dahil sa sinabi niya.










"I'm so sorry Sarah.Wala akong nagawa."Humahagulhol niyang paghingi ng tawad sakin.Napa upo ako sa sahig habang umiiyak.Akala ko magiging maayos na ang lahat.Akala ko kapag umlis na ako,Wala nang magiging problema pa.Pero nagkamali ako.Nandoon dapat ako sa tabi nila ngayon para damayan sila pero hindi eh! Wala ako sa tabi nila at wala akong nagawa!









First Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon