Chapter 27

0 0 0
                                    

Chapter 27

"New family?"




Lumipas ang mga araw at naging close kami ni Ma'am Janine.Nalaman ko na wala na pala ang anak niyang lalake.Dalawa daw kasi ang anak niya.Babae at lalake kaya lang ayaw ng anak niyang lalake na makilala sa bussines world kaya ibinigay nito ang lahat sa kanyang kapatid na babae pero ang kapatid niya ay binigyan siya ng shares na hindi niya naman tinanggap at sinabi ibigay nalang ito sa magiging anak niya at pumayag naman ang kapatid niyang babae.Hanggang ngayon ay hinahanap niya ang apo niya dahil gusto na niya itong makita.Ang usapan kasi nila ng anak niya ay hanapin ang anak nito kapag may mangyaring masama sakanya.

Naawa nga ako kay ma'am Janine dahil kahit wala pang nangyayaring masama sa anak niya ay hinahanap na niya ito.

Namis ko tuloy si Papa.Wala kasing nabanggit si Papa sakin noon tingkol sa pamilya niya.Gusto ko pa naman sana na ma meet ang lola at lolo ko sa side ni Papa.

Naglilinis ako ngayon ng bahay dahil sabado ng biglang may kotse na pumarada sa harap ng bahay.Nang tignan ko ito ay nakita ko si Ma'am Janine na tumatakbo papalapit sakin habang umiiyak.

"I missed you iha."Napayakap siya sakin at humagulhol kaya pinapasok ko siya sa loob ng bahay.

Medyo kakaiba siya ngayong araw ah.Ano kayang nangyari sakanya?
Nang tumigil na ito sa kakaiyak ay tinanong ko na siya kung ano bang nangyari.

"Ano po bang nangyari?"Nagtataka kong tanong pero ngumiti ito sakin at inilibot ang tingin sa buong bahay.

Ngayon ko lang napagtanto kung bakit niya nalaman ang address ko eh hindi ko naman iyon sinabi sakanya.

"He is such a good Engineer.I'm so proud of him."Yun lang ang sinagot niya sakin at hinimas ang ulo ko.Magkatabi kasi kami ngayon sa sofa habang siya ay sinusuri ang bahay.Hindi naman sobrang laki o maliit ang tinitirahan ko dahil sakto lang ito para sakin.Meron itong tatlong kwarto at ang dalawa dun ay guest rooms.

"Bakit po ba kayo umiiyak kanina? May nangyari po ba?"Tanong ko ulit sakanya pero napaiyak ulit ito.

"I'm sorry iha.I didn't mean to drop into conclusion but from the start, I'm sure that we're related."Nagulat ako sa sinabi niya.

Anong ibig niyang sabihin?

"Ho? Bakit po?"Tanong ko ulit at hinawakan nito ang kamay ko.

"Wag ka sanang magalit sakin."Yun nalang ang nasabi niya at may iniabot ito saakin na papel na tinganggap ko naman.

Napalaki ang mata ko dahil sa nakita.DNA test result yun na may nakalagay na positive.Napatingin ako sakanya habang unti unting tumutulo ang luha ko.

Ang lola ko!

Siya ang Mama ng Papa ko!

Nahanap ko siya!

Niyakap ko siya bigla habang umiiyak.
"L-lola....Ikaw po pala ang lola ko."Hagulhol ko at hinimas-himas nito ang likod ko.

"It's okay dear, You're safe now."

Parang hindi parin ako makapaniwala na nakatagpo ko na ang lola ko sa side ni Papa.Kung nandito lang sana silang dalawa ngayon ni Mama ay sigurado ako na masaya yun.Magiging close kaya sila nina lolo at lola?

Kinwento sakin ng lola ko ang lahat ng pangyayari sa buhay ni Papa.Alam ni lola na may asawa na si Papa at na meet na niya ito.Alam ni mama ang tungkol dito pero tinago nila yun sakin dahil ayaw ni Mama na kapag nalaman ni Danika na anak si Papa ng isang Imperial ay sigurado na gagamitin niya ito para umangat.All these years hindi ko alam na nag iipon na pala sina Mama at Papa ng pera para sakin.

Nagpa hire din siya ng mga bodyguards para bantayan ako para sa mga banta ni Danika.Kaya pala nakakaramdam ako nun na parang may sumusunod sakin.
Speaking of her nalaman ko noon na bigla ito umuwi galing sa Japan dahil nalaman niya ang aksidenteng nangyari sa pamilya ko.

Nakikita ko na parang nagsisisi na rin siya sa mga ginawa niyang yun dahil siya daw ang nag asikaso sa mga magulang ko pati ang kina lolo at lola.

Nalinawan na ako sa lahat ng bumabagabag sakin pwera lang ang pagka aksidente nina Mama at Papa.Kaya pala gusto niyang tumuloy ako sa pagpunta dito para makatagpo si lola.

Kaya pala iba ang gamit na apelyido ni Papa dahil Acosta ang totoo nitong Apelyido at ang Imperial ay Apelyido ni Lola.Wala na daw kasi si Lolo matagal na kaya nagkaganun.

Matapos naming mag usap ay sinabi niya na dadalhin niya ako sa mansyon niya dito.Pumayag ako dahil wala naman akong ginagawa dito pero hindi ibig sabihin nun ay iiwan ko na ang bahay na to.Ito lang ang natitirang ala ala ko sa mga magulang ko dito sa US.
Nakapangalan na sakin ang property na to kaya ako na ang nag mamay-ari nito.Wala akong plano na ibenta ang property na to dahil sa ayaw ko.

Hinatid kami ng isang Mercedes Benz papunta sa Mansyon niya at nasa labas palang ako ay laglag panga na ako dahil sa sobrang laki nito.Para siyang white House pero combination ito ng gold and white theme.Dumaan ang sasakyan sa isang malawak na garden na puno ng tulips bago makarating sa mismong pintuan ng mansyon.

Pagkapasok namin ay sinalubong na kami ng maraming mga maid na nakangiti samin.

"Welcome home Señora and Señorita."Sabay-sabay nilang pagbati samin kaya binati ko din sila.Para akong bata na nakakita ng isang disney castle sa personal dahil sa reaksyon ko nang makapasok kami sa loob.

Napakalawak nito at tanging gold lang ang kulay ng mga poste at mga linings at white naman ang mga pader.Kumikinang na wooden brown ang mga matatas na hagdan at mga pintuan samantalang ang mga furnitures ay kulay ginto.

Tunay kayang ginto ang mga to?

Nagulat ako nung may babaeng bumaba mula sa hagdan na nakasuot ng  white dress.Para siyang anghel sa sobrang ganda.Napakaitim ng kanyang buhok na hanggang bewang at matangkad din.

"Lola? Is she's my causin?"Excited nitong tanong kay lola kaya tumango ito sakanya bago sumagot.
"Yes iha.Siya nga yan."Pagkasabi niya nun ay tumakbo ito palapit sakin saka yumakap.Hindi ininda ang napakataas na heels sa kumikinang na sahig.

"Its nice to meet you my dear causin!"
Sabi nito sakin at bumitaw sa pagkakayakap.
"Oh! I forgot to introduce myself.Ako nga pala si Hera.Hera Juno Madrigal Montero.My mother is the younger sister of your father,Tito Sanders."Paliwanag niya sakin.Bagay sakanya ang pangalan niya dahil sa itsurang meron siya.She really look like a goddess.

"A-ah I'm Sarah Gonzales Acosta."
Pagpapakilala ko sakanya saka ngumiti kaya ngumiti din ito sakin.

Lumipas ang ilang araw at naging magkasundo kami ni Hera.Nalaman ko na nag momodel pala ito para sa kompanya.Nag momodel siya ng mga damit para sa clothing line ng mga inperial at mga footwear pati narin mga beauty products.

Na meet ko din ang Mom niya na si tita Jenny Madrigal Montero kamukhang kamukha ni Papa.Mabait ito sakin at napakahinhin.Ginamit nito ang apelyido ni lola dahil siya ang tagapag mana nito.Nagmana si Hera sa Papa niya dahil pala biro ito.Na meet ko siya nung nagkaroon ng family dinner sa Mansyon ng mga Madrigal dito sa US.Henry Montero ang pangalan niya at isa din itong pilipino.

Matalino si Hera at magaling sa mga computers.Balak daw nitong mag aral ng may kinalaman sa Computers pagkatapos ng Bussines Administration.
Siya kasi ang susunod na tagapagmana ng mga Madrigal kaya ganun.Magkasing edad lang kami at nito ko lang nalaman na nasa iisang school lang pala kami nag aaral.Iba kasi ang section niya dahil nandun siya sa section ng mga matatalino at mayayaman.Sa sobrang laki ba naman ng school na pinapasukan ko ay imposible talaga na mag kita kami.

Ngayon na nahanap ko na ang bubuo sa pagkatao ko ay handa na akong ipagpautoy ang buhay ko.Tutuparin ko ang mga pangarap ko sa buhay dahil gusto ko na maging proud sakin sina Mama at Papa.

Sisiguraduhin ko na maayos na ako pagbalik ko dun.

Haharapin ko sila na may maipagmamalaki na ako.Babalik ako dun na buo na ang pagkatao ko.

First Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon