Chapter 12

2 0 0
                                    

Chapter 12

Guilty?

Nag usap kaming dalawa nung tumahan na ako sa pag iyak.Hindi ko sinabi sakanya ang problema ko dahil ayokong makadagdag  sa mga problema niya kung meron man.

Hindi niya rin naman ako kinulit tungkol dun at nag paulan nalang kami sa labas ng bahay pero tumigil din ang ulan nung mag gagabi na at napag desisyunan niya na umuwi na rin.Hindi ko narin tinanong kung bakit siya nandun nung mga oras na yun dahil wala na akong plano na alamin pa dahil mukhang wala naman siyang balak na sabihin sakin.

Kinabukasan ay nadatnan ko siya sa classroom na nakasandal ang ulo sa armrest ng upuan nya at mukhang natutulog.

Umupo ako sa tabi niya at hindi ko na siya inistorbo pa dahil baka walang tulog ang isang to dahil baka nag games to buong gabi.

Nahulog yung ballpen ko kaya yumuko ako para pulutin yun at nung nakuha ko na ay nilaro laro ko yun pero nung nabangga ng kamay ko ang kamay niya na nakabitin.Nagulat ako dahil hinawakan niya ang kamay ko.

Dahil sa paghawak niya ay nalaman ko na mainit siya.

Shet hindi ako naka ramdam ng kilig sa ginawa niya dahil nag panic ako sa kina uupuan ko.

Oo na kinilig na ako pero konti lang.

Naku! Napakawalang kwenta ko bang kaibigan dahil imbes na ma concern ay umapaw ang kilig ko sa ginawa niya?

Napa 'tsk' nalang ako at kinalabit siya.

"Hoy Kian ang init mo.May lagnat ka ba? Gusto mo dalhin kita sa clinic?"Tanong ko sakanya pero iling lang ang sinukli niya sakin.

Inilapat ko ang kamay ko sa noo niya at nag panic ako ng malala dahil ang taas ng lagnat niya.

Gagong to sinabi ko sakanya kagabi na maligo pagdating sa bahay niya at uminom ng gamot dahil panay ang hatsing niya kagabi nung tumigil ang ulan at ayaw niya namang pumasok sa bahay.Ipagtitimpla ko pa sana siya ng kape.

Ang tigas talaga ng ulo ng lalakeng to!

"Hoy! Tumayo ka dyan at dadalhin kita sa clinic ng school at baka kung ano pa ang mangyari sayo kasalanan ko pa naman kung bakit ka nagkalagnat."Pag gising ko sakanya at hinanap ng mga mata ko ang kaibigan niya and good thing nakita ko sila na kakapasok lang ng classroom.

"I'm okay."Sabi niya pa sakin pero halata naman na masama ang pakiramdam niya.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at tinawag sina Angelo at Carl na nakakunot ang noo pagkapasok sa classroom.

"Bakit? Nandito na pala ang isang to! Usapan namin kagabi na hintayin niya kami sa school gate pero nauna nanaman."Umiiling na puna ni Angelo.

"Mataas ang lagnat niya kaya tulungan nyo ko na dalhin siya sa clinic."Sagot ko sakanya dahilan para magulantang siya sa kinatatayuan niya.

"How come? He told us yesterday that he is having a meeting with his Dad?"
Nagtatakang tanong sakin ni Carl kaya natigilan ako.Paano naman yun mangyayari eh kasama ko siya kahapon.
Ano yun? Nagsinungaling siya sa mga kaibigan niya?

"Oo nga at akala ko ay kasama ka niya kahapon dahil tumanggi siya na gumala kasama namin pagkatapos niya sa meeting dahil ang sabi niya ay bibisitahin ka niya."Naka hinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi ni Angelo.
Akala ko nagsinungaling siya sa mga kaibigan niya.Wala namang dahilan para.mag sinungaling siya sakanila.

"N-nag paulan kasi siya kahapon."Na gu-guilty tuloy ako sa nangyari.Dahil sa sobrang lungkot ko ay hindi ko na inisip na baka magkasakit siya.Masasabi ko na may pagka immune ako sa ulan dahil naliligo naman kasi ako dun minsan pero minsan din ay nagkakasakit ako.

First Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon