Chapter 21

0 0 0
                                    

Chapter 21

"Revelation begins"




Hindi ako pumasok sa first subject ko dahil nandito lang ako sa office ni Nikky kasama siya.Hindi alam ni Carl kung nasaan kami dahil ayoko.
"Kasalanan ko ang lahat ng to eh!"inis kong sisi sa sarili ko habang umiiyak samantalang si Nikky ay hinahagod ang likod ko.









"Tahan na okay? Ikwento mo sakin kung ano ang nangyari,nandito lang ako pakinggan kita."Pang aalo niya sakin.
"N-nag k-kamali ako N-Nikky.Hindi ko dapat siya pinagtabuyan eh.Kasalanan ko."Umiiyak kong sabi sakanya pero umiling ito sakin.
"May dahilan ka naman siguro kung bakit mo yun nagawa diba?"Naninigurado niyang tanong sakin kaya tumango ako.
"Yun naman pala eh kaya wag ka ng umiyak dyan at papasok tayo sa susunod na subject."
Tinapik niya ang balikat ko dahilan para mas lalo akong maiyak.Napaka childish ko talaga.Kahit kasi Simpleng bagay iniiyakan ko kaya hindi na imposible sakanya na makita ako na umiiyak dahil sa katangahan ko.
Hinayaan niya lang akong umiyak na parang bata dun sa office niya hanggang sa ako na ang napagod kakaiyak at sumasakit na ang mata ko.














20 minutes pa before next subject namin kaya nag CR muna ako para maghilamos.Mahirap na at baka mapansin ng mga kaklase ko na umiyak ako at magtanong sila kung bakit eh wala naman akong maisasagot dun.













"Let's go?"Pagayaya sakin ni Nikky kaya tumango ako.
Pumunta na kami sa classroom at pagkapasok ko ay sinalubong ako ni Kim pero pinatabi siya ni Angelo.
"Saan ka ba nanggaling? May sasabihin ako sayo."Bungad niya sakin kaya nagtaka naman ako.
"Ano yun?"Tanong ko pero naputol yung sasabihin niya sakin nung dumating yung teacher namin kasama siya.











Si Kian.









Tinignan ko siya at nahuli ko na nakatingin siya sakin.Ewan ko ba pero hindi na ako nakakaramdam ng excitement dahil sa tingin niya.Iba ang ekspresyon na ipinapakita niya sa lahat.Para bang nasasaktan siya.Ibang iba sa Kian na nakita ko kanina sa tambayan namin kasama ng isang babae na masaya at nakangiti.









Nang matapos ang klase namin ay bigla siya umalis.Hindi niya ako pinapansin at alam ko na nakakahalata na si Angelo pero si Carl ay halatang may alam sa nangyari.











Umalis ako ng mag isa at hindi nag paalam kay Nikky at Angelo.Nilibot ko yung buong Junior High school building at napagdesisyunan ko na bumalik na sa classroom.
Napahinto ako nung makita ko si Kian at yung babae kanina na tumatambay sa may gilid ng pinto ng classroom namin.Naka earphones silang dalawa at nalaman ko na sakanya yun dahil yun ang ginamit namin nun.











Mukhang maiiyak nanaman ako neto.Ano ba yan sana hindi nalang sila dito nag ganyan dahil bawat tukso sakanila ng mga kaklase namin ay parang mga karayum na tumutusok sa puso ko.Ganyan din naman kami noon pero hindi ko inaasahan na masakit pala na makita na iba ang kasama niya at hindi ako.












Ang sakit lang maalala na ako ang nakakashare niya noon ng earphones para pakinggan yung kantang "cheerleader" at ako pa ang tinutukso sakanya pero ngayon iba na.Iba na ang kasama niya at hindi ako yun.Pero kahit hindi ako ay masaya na ako na nakasama ko siya sa maikling panahon at masasabi ko na sa maikling panahon na magkasama kami ay masaya ako.Nakakalimutan k oyung mga problema ko sa lola ko at higit sa lahat ay nakakalimutan ko na aalis na ako at maiiwan ko sila.












Aalis na sana ako pero nakita ko si Kim sa likod ko na nakangiti sakin at may hawak na bulaklak at chocolate.
"Hi Sarah para sayo.I hope you like it."Nakangiti niyang sabi sakin kaya nginitian ko siya ng pilit dahil nakakahiya naman na hindi ko siya pansinin matapos yung nangyari kanina na hindi ako nakapag sorry sakanya dahil pinatabi siya ni Angelo.
"Thank you.Pasensya na pala kanina ah.Sana maintindihan mo si Angelo kasi protective bestfriend kasi yun."Paghingi ko ng tawad sakanya saka tinaggap yung red roses tsaka chocolate at ngumiti ito sakin bago magsalita.
"Naiintindihan ko.Ganyan din naman ako sa kapatid ko eh."Sabi niya sakin.Gwapo naman si Kim at mabait din.Swerte sakanya ng magiging girlfriend niya.Brown ang kulay ng mata niya at maitim ang buhok na medyo mahaba kagaya ng kay Kian pero yung sakanya ay naka gel para papunta sa likod kaya para siyang musician.Matangkad din siya at maputi na bumagay sa white polo uniform at black tie na suot niya.Hindi siya nakasuot ng suite na uniform.Naiinitan siguro.











First Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon