MAAGA akong nagising dahil kailangan kong magprepare pumasok sa school. I am already a fourth year, business management student at isang semester na lang ay gragraduate na ako.
Honestly, hindi ko talaga gusto ang kursong ito. Unfortunately, I have to take this by all means dahil panigurado ay palalayasin ako ng mga magulang ko.
"Lady Guin, your breakfast is ready" Salubong saakin ni butler Hans ng makalabas ako ng kwarto ko.
Tango na lamang ang isinagot ko dito, I know that everything I do was being reported to my parents by Butler Hans. Kaya kahit wala akong gana magbreakfast ay kailangan kong kumain.
"Good morning Ms. Guin" nakangiting bati saakin ng mga katulong namin. Nginitian ko naman sila saka ko sila binati pabalik ng magandang umaga.
"Ang aga mo naman pumasok ganda, Hindi ba alas dies pa ang pasok mo?" bungad saakin ni Nanay Carlota, ang mayordoma dito sa bahay namin.
Nanay Carlota is not a typical mayordoma we usually heard about, iyong mga intrimitidang mayordoma ba? But Nanay is different, she's very kind and loving.
Mas gusto ko pa siyang maging ina kaysa sa mismong nanay ko.
"May kailangan po kasi akong gawin sa school Nanay, alam mo naman po na kailangan kong pagbutihin dahil ayoko naman pong madisappoint si Mom and Dad saakin" Sabi ko dito habang nagsimula na siyang pagsilbihan ako. "Ako na po dito Nay, sabayan mo na lang po ako kumain" Nakangiting sabi ko dito.
Wala naman ng nagawa si Nanay Carlota kundi sumabay saakin, pinilit ko din kasi ito hehe!
Habang nagkwekwentuhan kami ay biglang sumulpot si Kuya Adriel na mukhang bagong gising pa.
"Good morning Young Master Adriel" bati ni Nanay Carlota dito. Tumingin muna saamin si Kuya saka niya tipid na binati si Nanay.
"Morning"
Dumeretso naman ito sa ref saka naglabas ng gatas at isang pitsel ng tubig.
"What's for breakfast Nanay?" tanong nito, ni hindi man lang niya ako binati.
Sabagay, sanay na ako sa cold treatment ni Kuya Adriel. We were very close before, nagulat na lang ako isang araw halos itanggi na niya ako bilang kapatid niya.
"May niluto si Maria na bacon, scrambled egg at french toast" sagot ni nanay.
I can say na kasundo naming magkakapatid si Nanay, paano ito talaga ang nag alaga saamin simula pagkabata namin kaya talaga namang napamahal at naging kaclose na talaga namin ito.
"I'll eat my breakfast now" seryosong sabi ni Kuya.
Agad naman siyang pinagsilbihan ng ibang katulong namin, mas lalo tuloy akong nawalan ng ganang kumain dahil doon. I felt like there was an invisible wall between me and Kuya, magkasama nga kami ngunit para kaming hindi magkakilala.
"Tapos na po ako Nay, papasok na po ako" paalam ko kay Nanay Carlota matapos kong kumain. Hindi ko kayang magtagal sa dining, panigurado ay bababa na din si Kuya Aster.
"Sige anak, mag iingat ka" nakangiting sabi nito.
Umalis na ako ng bahay, hinatid naman ako ng driver ni Dad sa school. Imagine 24 years old na ako but still I don't have the freedom to go to school by my own. Pwede naman akong turuan magdrive na lang but according to my parents, it's just a waste of time.
Ayaw lang talaga nilang magsayang ng oras saakin.
Naabutan ko naman si Trisha sa parking lot ng makarating ako ng University, mukhang kararating lang din nito. Mabuti na lang talaga at may makakasabay ako papunta ng classroom.
BINABASA MO ANG
Can I have this dance
General FictionAnastacia Guinevere Arnoult met Elieazer Roz Quinn on a moonlit night at a dance floor. As they dance with the rhythm, their hearts become entwined in a whirlwind of emotions, their masks concealing secrets and desires. With each step, they discove...