SINUNDO ako ni Aiden after ng last subject ko, si Trisha ay naghihimutok sa gilid dahil hindi siya makakasabay saamin dahil pati siya ay may sundo, halatang gusto talaga nito sumabay saamin dahil kay Aiden.
"Where are we going?" tanong ko dito ng makasakay ako sa kotse niya.
"Magshoshopping nanaman ba tayo?" excited na sabi ko.
"Kinda, but we have to buy something at the mall, after that we will be heading at The fern, they're waiting for us there" seryosong sagot ni Aiden.
Mukhang alam ko na kung anong gagawin namin, of course we will buy some clothes sa mall dahil panigurado may imemeet nanaman ang pamilya ko na business partners nila.
"Pwede bang huwag na lang ako sumama?" nakangiwing sabi ko kay Aiden. I saw him smirked because of what I have said. "Joke lang! baka wala na talaga akong mauwian pag nagkataon" pagbawi ko din lang sa sinabi ko.
"I'm sorry, I know you're doing your best to please mom and dad, Hindi man lang kita matulungan" malungkot na saad nito.
"It's fine, You being there for me is already enough ano ka ba!" I honestly said.
Naiintindihan ko naman na kahit gusto akong tulungan ni Aiden he cannot go against our parents for now.
"Tara!" pag anyaya nito ng makarating kami sa parking lot ng mall.
Agad naman kaming pumunta sa Cartier para mamili ng accessories ko matapos non ay sunod kaming pumunta sa shop kung saan kami palaging kumukuha ng damit for formal meetings. Pinili ko ang white laced bodycon dress na lagpas sa tuhod ko ang haba, the dress hugged my curves and it accentuated my waist very well, saka ko ito tinernuhan ng black stilettos. Nang makuntento sa suot ay binayaran na ni Aiden ang mga pinamili namin saka kami bumalik sa kotse nito at nagsimula na siyang paandarin ang sasakyan niya papunta sa The Fern.
Nakarating naman kami sa pupuntahan namin after a 30 minutes drive, sinalubong kami ng valet saka ako pinagbuksan ng pintuan.
"Good afternoon, Ma'am, Sir--your family is waiting for the both of you at the lily hall" bati saamin ng receptionist ng hotel.
May crew na nag assist saamin hanggang sa Lily hall, pinagbuksan pa kami nito ng pintuan at doon naabutan namin ang pamilya ko na may kasama at mukhang isa ito sa mga business partners nila.
"Here they are! This is my son Aiden Gray and our youngest Anastacia Guinevere" excited na pakilala ni Mom saamin sa mga kasamahan nila.
Tsss! matutuwa sana ako kung totoo talaga ang excitement niya!
"You have a very nice gene pool Arnaldo and Genevive! your children looked very handsome and pretty" pag compliment ng kausap ni Mom kanina.
"Oh stop it Conrado, your son is very handsome as well! A lot of young ladies are swooning over him" sagot naman ni daddy.
"Buti nga at hindi siya babaero, speaking of which where is your son Conrado? He should be here by now" saad naman ng ginang na katabi nung matandang lalaki na kausap ni Dad.
"He'll arrive anytime soon"
Napansin ko naman ang titig saakin ng ginang na katapat ko ngayon, She is looking at me intently, pakiramdam ko tuloy ay sinusuri niya ako hanggang sa kaloob looban ko.
"Your daughter is very pretty Genevive, Mukhang tama nga ang naging desisyon natin" The woman said to my Mom while she still stares at me intently.
"I know right! But we'll discuss that later on" makahulugang sagot ni Mommy sa ginang.
Maya maya pa ay may pumasok na isang lalaki sa hall, Agad namang tumayo ang mag asawa na nasa tapat ko saka nila sinalubong ang anak na agad nagbeso sakanila.
BINABASA MO ANG
Can I have this dance
Ficción GeneralAnastacia Guinevere Arnoult met Elieazer Roz Quinn on a moonlit night at a dance floor. As they dance with the rhythm, their hearts become entwined in a whirlwind of emotions, their masks concealing secrets and desires. With each step, they discove...