I FELT like I am in the middle of a staring contest, paano ba naman ay nagtitigan na lang ang ginagawa ni Aiden, Elieazer, at Trein habang kami ni Trisha ay hindi na alam ang gagawin.
Gusto lang naman naming magkape ng mapayapa.
"I didn't expect to see you here Quinn" sabi ni Trein.
Elieazer just sipped his coffee matapos non ay tumingin muna siya saakin saka siya kumindat, pakiramdam ko tuloy ay namumula ako dahil nag iinit na ang pisngi ko. Matapos niyang gawin iyon ay humarap na siya kay Aiden at Trent na nakatingin saaming dalawa.
"I didn't expect I'll be here too" tila namimilosopong sagot ni Elieazer.
"Oh wait!" biglang sabi ni Trent dahilan para sakanya mapunta ang attensyon naming lahat. "Congrats man!" pagbati nito kay Elieazer. "Akala ko hindi na kayo magkakatuluyan, but it seems..." Hindi na nito natapos ang sasabihin ng biglang natabig ni Aiden ang kape niya dahilan para tumapon iyon sa pwesto ni Trent.
"What the! It's hot Aiden!" Inis na sabi ni Trent sa kapatid ko, sabay namang tumayo si Elieazer at Aiden para tulungan si Trent na punasan ang natapunan niyang damit.
Huh? watdadems? what is happening?
Nag uusap na lang talaga kami ni Trisha sa pamamagitan ng tinginan, paano ay hindi na namin magawang mag usap because our supposed to be peaceful girl bonding turned to be an unexpected one.
"You're over reacting! kanina pa malamig yung kape Trein" Aiden said as he continued wiping the stain on Trein's polo shirt na mukhang ineenjoy naman nito ang ginagawa ng kapatid ko sakanya.
"Where's Trent and Yohan?" tanong ni Aiden.
Teka nga? bakit parang matagal na silang magkakakilala? Am I missing something?
"They'll come later" sagot naman ni Trein.
Haaa?
Sinenyasan naman ako ni Trisha na tignan ang cellphone ko, kaya agad kong nilabas iyon at binasa ang chat niya.
Trish: Uwi na tayo beh, mukhang boys hang out ito.
Me: Pwede ko naman ipaalam na mauuna na tayo, ano tara na ba?
Trish: Wait! give me 5 minutes, ineenjoy ko pang katabi si Aiden my love! so sweet.
Nag "haha" react naman ako sa sinabi nito matapos non ay itinabi ko na ang cellphone ko. Sumimsim muli ako ng kape saka ako nakinig sa pinag uusapan nila.
Napatingin naman ako bigla sa hita ko ng maramdaman ko ang mainit na palad ni Elieazer doon, itinabi pa niya lalo ang upuan niya saakin saka niya komportableng ipinatong ang kamay niya sa hita ko.
"Hmm, I guess you have a lot to say to me my dear younger sister" sabi ni Aiden saakin, habang nakatingin siya sa kamay ni Elieazer na nakapatong sa hita ko ngayon.
"Haay nako Aiden! kung naiinggit ka gawin mo din kay Trisha" pagpaparinig naman ni Trein dito.
"Shut up!" sabi naman ni Aiden.
"Oops! My bad" pang aasar naman nila sa kapatid ko.
Maya maya pa dumating naman si Dr. Trent at Yohan, mukhang galing ang mga ito sa trabaho, at halos lahat din ng customer dito sa coffee shop ay sa gawi na namin nakatingin.
Paano ba naman makakita ka ba naman ng nagwagwapuhang nilalang sa iisang table talagang mapapatingin ka! maski ang staff and crew ay nakatingin sa gawi namin habang may pabulong sila sa mga kasama nila.
"I saw my favorite person here" Sabi ni Dr. Trent habang nakatingin saakin.
"I thought I was your favorite person?" biglang maktol ni Aiden, pinandilatan ko tuloy ito dahil sa sinabi niya "You betrayed me!" pagdradrama pa nito kay Dr. Trent.
BINABASA MO ANG
Can I have this dance
General FictionAnastacia Guinevere Arnoult met Elieazer Roz Quinn on a moonlit night at a dance floor. As they dance with the rhythm, their hearts become entwined in a whirlwind of emotions, their masks concealing secrets and desires. With each step, they discove...