TODAY is my first day ng OJT ko sa Dela Cruz Corp. at na assign ako sa may marketing department na ikinatuwa ko dahil panigurado ay marami akong matututunan.
It's also been a week eversince Elieazer recovered from his fever, and it's also been a week of avoidance. Simula ng magising ako kinaumagahan sa kama nito ay hindi ko na siya nagawang kausapin pa, hindi naman ako tanga para hindi mapansin na iniiwasan niya ako talaga. Sa tuwing sasabay ako sakanya magbreakfast ay umaalis ito agad, maski kapag pupunta ako sa living room.
Nasa iisang bahay nga kami, pero parang hindi kami magkakilala bigla.
Gusto kong alamin kung bakit niya ako iniiwasan pero sino ba ako para tanungin siya non? I'm just a mere human being whom he adopted in his abode.
"Guin, baka pwede bilhan mo kami ng kape? May coffee shop naman sa baba" utos saakin ng manager ng marketing department si Ms. Rhea. "Pasabay na din pala ng tiramisu" dagdag nito sa inuutos niya.
I willingly obeyed her request, dinouble check ko pa ang mga pinapabili nito bago ako bumaba sa ground floor para bumili ng kape ng buong team.
"That's 2,367 pesos ma'am"
Inabot ko naman sa kahera ang bayad ko at matapos ng ilang minutong paghihintay ay iniabot na saakin ang take out ko. Mabuti na lang talaga at may elevator at escalator dahil ang marketing department ay nasa 12th floor pa ng building na ito.
"Nandito na po ang order niyo" Masigla kong sabi ng makapasok ako ng opisina namin, agad kong inilapag ang hawak kong take out sa table na nasa tabi ko lang.
Hindi naman ako pinansin ng iba, tumayo sila para kuhanin ang pinabili nila matapos non ay bumalik na sila sa kanya kanya nilang station.
Baka gutom lang sila kaya ganon?
Bumalik na din ako sa station ko saka nagsimulang gawin ang pinapagawa saakin ni Ms. Rhea, inutusan niya kasi akong ayusin ang mga files niya in alphabetical order.
Halos buong morning shift ko inarrange ang files ni Ms. Rhea, nagkalituhan pa dahil wala iyong ibang files niya, nang tignan ko ang orasan ay lunch time na pala.
Tatayo na sana ako sa station ko ng biglang magsalita si Ms.Celestine ang assistant manager namin.
"Saan ka pupunta Anastacia?" masungit na tanong nito saakin.
Nginitian ako nito despite the attitude she is showing me.
"Kakain lang po saglit ng lunch" paalam ko dito, nagugutom na din kasi ako.
"Tapos mo na ba pinapagawa ni Ms. Rhea sayo?" muli nitong tanong "Kapag hindi pa ay unahin mo munang tapusin iyon bago ka maglunch dahil mas importante iyon" dugtong pa nito.
Hindi ko pa nga natatapos ang pag aarrange kaya bumalik ako sa pagkakaupo ko at pinagpatuloy ang ginagawa ko.
Napansin ko namang nagsitayuan ang ibang empleyado at nagsimula ng lumabas ng opisina para mag lunch, habang ako naman ay naiwan mag isa dito sa loob at tinatapos ang pinapagawa saakin.
Kahit na gutom na gutom na ako ay tinapos ko pa din ang pag aarrange ng files, 5 minutes before 1pm ng matapos ako kaya tumayo na ako sa kinauupuan ko saka ko kinuha ang wallet ko para bumili ng makakain. Akmang lalabas na ako ng office ng biglang naunahan ako sa pagbukas ng pinto, kakabalik lang nila Ms. Celestine galing sa baba kasama ang ibang empleyado.
"Where are you going? Tapos na ba ang pinapagawa sayo?" tanong nito, tinitigan pa niya ako mula ulo hanggang paa tila hinuhusgahan ang pagkatao ko sa pagkakatitig niya.
"Yes po, Ms. Celestine. I have finished arranging the files as per Ms. Rhea's request" confident kong sabi.
Tinitigan naman nito ang orasan niya, saka siya muling tumingin saakin.
BINABASA MO ANG
Can I have this dance
Genel KurguAnastacia Guinevere Arnoult met Elieazer Roz Quinn on a moonlit night at a dance floor. As they dance with the rhythm, their hearts become entwined in a whirlwind of emotions, their masks concealing secrets and desires. With each step, they discove...