TAHIMIK kaming pareho ni Elieazer sa loob ng kotse nito, siya ang nagdridrive pauwi sa bahay nito.
Hanggang ngayon ay gulat pa din ako kung paano siya nakapunta sa unit ni Harry.
Nagvibrate naman ang cellphone ko kaya tinignan ko kung sino ang nagtext.
Trisha: Sorry beh, pumunta kasi si Elieazer sa school kanina, nasabi ko na may sakit si Harry at ikaw nagbabantay.
Me: Okay lang beh, balitaan mo ako sa kondisyon ni Harry.
Trisha: Pag inaway ka niya, sumbong mo saakin ha? wala siyang karapatan sayo, okay?
Hindi ko na nireplyan pa si Trisha, itinuon ko na lang ang attensyon ko sa daan pauwi sa bahay nito.
Pagkadating namin ay nauna na akong bumaba ng kotse, hinintay ko pa si Elieazer na lumabas ngunit ng makalabas naman ito ng kotse niya ay tila hangin lang ako na bigla na lang niyang dinaanan.
Anong problema niya?
Sumunod na lang ako na pumasok sa bahay niya, akala ko ay dederetso ito sa kwarto niya ngunit sa ibang pintuan siya pumasok. Kunot noo tuloy akong napatingin sa pinasukan niya dahil sa tinuran niya.
Akmang papasok na ako sa kwarto namin ng makita ko si Gabriel.
"Okay lang ba si Elieazer?" tanong ko dito.
"Hmm, may lagnat lang 'yon kaya kung nagsusungit man siya sayo pagpasensyahan mo na" sagot naman ni Gabriel.
May lagnat siya?
"Ha? Okay naman siya kagabi at kaninang umaga ha?" nagtatakang tanong ko.
Gabriel just shrugged at me tila hindi rin nito alam kung bakit nagkasakit bigla si Elieazer.
"Kanina pa sa opisina masama pakiramdam niya, He even canceled all his appointments and meetings because it seems like he really isn't feeling well right now" muling sambit nito.
"Eh bakit kayo napadaan sa school kanina? Sana dumeretso na kayong umuwi" sabi ko dito.
Medyo nag aalala din naman ako kay Elieazer kahit na hindi pa kami masyadong close, tutal din lang at ikakasal kami ay kailangan kong sanayin ang sarili ko sa mga bagay bagay tungkol sakanya.
"He suggested na isabay ka ng umuwi kaso you weren't there" tila may gustong ipahiwatig si Gabriel saakin ngunit hindi na lang niya iyon itinuloy.
"Ganon ba?" iyon na lang ang nasabi ko. "Is it okay if I enter that door?" turo ko sa pintuan na pinasukan ni Elieazer kanina.
Tumango naman si Gabriel kaya napagdesisyunan kong magbihis na lang muna ng pambahay saka ako kumatok saglit sa pintuan na katabi lang ng kwarto namin ni Elieazer.
Naka ilang katok na ako ngunit walang sumasagot kaya pinihit ko na lang ang doorknob saka dahan dahang binuksan ang pintuan.
"Elieazer?" pagtawag ko dito.
Napakadilim ng pumasok ako, ni maski lampshade ay walang nakabukas! mabuti na lang at dala ko ang cellphone ko kaya in-on ko 'yon para hanapin ang switch ng ilaw.
"Ayun!" malakas kong sabi ng makita ko ang switch. Akmang bubuksan ko na sana ang ilaw ng mabitawan ko ang cellphone ko dahil sa gulat.
"What are you doing here?" mahinang sambit ni Elieazer na mukhang nasa likuran ko ngayon.
"E-Elieazer" utal kong sambit sa pangalan niya.
"What are you doing here?" pag ulit niya sa tanong niya kanina.
BINABASA MO ANG
Can I have this dance
General FictionAnastacia Guinevere Arnoult met Elieazer Roz Quinn on a moonlit night at a dance floor. As they dance with the rhythm, their hearts become entwined in a whirlwind of emotions, their masks concealing secrets and desires. With each step, they discove...