MAGKATITIGAN kaming tatlo nila Aiden at Trisha dito sa may salas, wala pa ring nagsasalita saaming tatlo matapos akong hilain ni Trisha papunta sa kinauupuan namin ngayon. Magkatabi ang dalawa habang katapat naman nila ako.
"So ano beh? magtititigan na lang tayo dito?" biglang sabi ni Trisha "Hindi mo sasagutin ang tanong ko?"
Umiwas naman ako ng tingin sakanilang dalawa ni Aiden, alam kong hindi ko maitatago ito sakanila nila ng kapatid ko lalo na't they saw me in that state awhile back.
Tumitig akong muli sakanila ni Aiden.
"I just have an upset stomach" pagdadahilan ko.
Sana kumagat kayo....
Mariin namang tumitig saakin si Trisha saka siya tumingin kay Aiden.
"Akala ko naman, may pamangkin na ako" biglang sabi ni Aiden "Matutuwa na sana ako haayst"
"Bakit di na lang ako ang bigyan n'yo ng pamangkin?" seryosong sabi ko sa dalawa.
Biglang nasamid si Trisha na agad namang inalo ni Aiden, Itong dalawang ito halatang nag enjoy kung saan man sila nagpunta.
Mang aasar pa sana ako ng biglang magvibrate ang cellphone ko, agad ko namang tinignan kung sino ang nagchat, nang mabasa ko kung sino ay agad akong napatayo sa kinauupuan ko saka ako pumunta sa may pintuan para pagbuksan ng pinto ang bisita.
"Kuya Aster" pagtawag ko, niluwangan ko naman ang pagkakabukas ng pinto saka pinapasok si Kuya Aster "What brings you here?" tanong ko dito.
"I just came to visit" nakangiting sabi nito saakin "I brought some cake, it's a matcha flavored one" sabay abot ng isang box ng cake saakin.
Hindi ko naman birthday pero ang hilig nila akong dalhan ng cake ha?
Pagpasok ni Kuya Aster ay napadako ang tingin niya kay Aiden at Trisha na nakatingin din sakanya.
"Didn't know you're here" nakangisi niyang sabi kay Aiden "Sinabi ko lang na paborito na ako ni Guin, nagpunta ka kaagad dito" pang aasar niya kay Aiden.
"Shut up! Kuya Aster" namumula sa inis na sabi ni Aiden "Ako pa din paborito ni bunso, kaya manahimik ka na. What are you doing here anyways?"
"Visiting my favorite sibling, what do you think?" Nang aasar pa ding rebat ni Kuya Aster kay Aiden.
At dahil mukhang mag aasaran ang dalawa ay inilapag ko na ang cake na bitbit ni Kuya saka ko iyon inilabas at inislice, mukhang masarap naman kaya sana huwag akong magsuka ulit baka talagang mabuking na ako.
Agad kong sumubo ng cake at halos mapapikit ako sa sarap, hindi naman talaga ako mahilig sa matcha flavor lalo na pag cake pero itong dala ni Kuya Aster ay kakaiba, hindi ko alam bat sarap na sarap ako.
"Bakit yung kay Kuya Aster gustong gusto mo, tapos yung dinala namin ayaw mo? nagsuka ka pa" pagmamaktol ni Aiden "Hindi na talaga ako ang favorite mo"
Inalo naman siya ni Trisha, parang batang inaway si Aiden dahil sa itsura niya ngayon.
Jusko! kapatid ko ba ito?
"Geez Aiden! di ka ba nahiya sa girlfriend mo?" biglang sabi ni Kuya Aster "Imbes na siya ang ibaby mo, mukhang ikaw pa ibababy"
Bigla namang napaayos ng upo si Aiden saka niya tinitigan ng masama si Kuya Aster.
"Inggit ka lang dahil walang lalambing sayo"
Now it's Kuya Aster's turn to glare at Aiden, habang ako ay busy na ninanamnam ang cake na dala nito.
BINABASA MO ANG
Can I have this dance
General FictionAnastacia Guinevere Arnoult met Elieazer Roz Quinn on a moonlit night at a dance floor. As they dance with the rhythm, their hearts become entwined in a whirlwind of emotions, their masks concealing secrets and desires. With each step, they discove...