CHAPTER 7

47 20 14
                                    

NAKATANGGAP ako ng magandang balita kinaumagahan, ramdam ko pa din ang pagod ko matapos ng lakad namin ni Aiden kagabi ngunit tila nawala iyon ng makatanggap ako ng email tungkol sa OJT ko.

Finally! my application got accepted.

Nakangiti akong pumunta sa may dining area at naabutan ko naman doon si Elieazer na nagkakape habang nakatutok sa laptop niya, mukhang madami itong ginagawa, afterall he is the CEO of the Quinn's group.

"Good morning" masayang bati ko dito.

Seryoso naman siyang napatingin saakin saka niya muling ibinalik ang attensyon sa ginagawa.

"Morning" bati nito saakin pabalik.

Nagsimula na akong magtimpla ng kape ko, hindi naman ako palakape but I don't know, I just want to start my day with a hot coffee.

"Eat your breakfast, Gabriel will drive you to school today" biglang sabi ni Elieazer.

Tatanungin ko sana kung bakit hindi niya ako maihahatid ngunit ipinagsawalang bahala ko na lang iyon, I don't want to ruin my beautiful day for this.

Kumain na ako ng breakfast, matapos non ay muli kong chineck kung okay na ba ang suot ko. I am wearing a black bodycon dress na tinernuhan ko ng rust brown kong cropped na hoody and high cut na converse. Ang buhok ko naman ay naka clip dahil medyo mainit ngayon.

"I'm going now" paalam ko kay Elieazer.

Tango lang ang isinagot saakin nito kaya napagdesisyunan ko ng lumabas na ng bahay niya at pumunta sa parking lot kung saan naghihintay saakin si Gabriel.

"Goodmorning Ms.Guin" salubong nito saakin ng makarating ako ng parking lot.

Nginitian ko naman ito saka ko siya binati pabalik. Pinagbuksan naman niya ako ng pinto ng kotse kaya agad akong sumakay at nagsuot ng seatbelt.

Habang nasa biyahe kami papuntang school ay napagdesisyunan kong tanungin si Gabriel tungkol kay Elieazer, naisip ko kasi na tutal naman ay titira kami sa iisang bubong I might as well learn something about Elieazer.

"Gabriel, how long have you been working for Elieazer?" tanong ko dito.

Napansin ko namang napatingin saakin si Gabriel saka niya muling itinutok ang attensyon sa pagdridrive.

"Since highschool Ms. Guin" walang alinlangan niyang sagot.

Since high school? They looked like they're on the same age!

"Ganon ba? What made you work for him? Mukhang magkaedad naman kayo" muli kong sambit. Gusto ko sanang magtanong tungkol kay Elieazer ngunit pakiramdam ko ay hindi nito sasabihin lahat kaya siya na lang muna ang tatanungin ko.

"I owe him a lot, Kaya napagdesisyunan kong maging assistant niya" He plainly answered.

Magtatanong pa sana ako dito but I don't want to look like I'm prying so I decided to shut my mouth and just appreciate the view outside the car's window.

Nakareceive naman ako ng text kay Trisha na nasa school na siya at hinihintay niya ako sa parking lot, sinabi ko naman kay Gabriel na ibaba na lang niya ako sa parking lot na agad naman niyang sinunod.

Bumaba ako sa tapat ni Trisha, nakita ko naman ang mapang asar niyang ngisi matapos kong bumaba sa kotse.

"Ikaw ha? ganito ba epekto ng malapit ng isakal--este ikasal? gumaganda ka lalo ha?" pang aasar nito.

Mahina ko naman siyang kinurot sa tagiliran niya dahil sa pang aasar nito.

"Tigilan mo ko beh, Hindi kita ilalakad kay Aiden" pagbabanta ko dito.

Can I have this danceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon