KAHARAP ko ngayon ang mag asawang Quinn matapos ko silang puntahan sa opisina nila. Naisip ko kasi na kausapin muna sila bago ako pumayag sa gusto nilang mangyari. And also, Kuya Adriel's statement last time we talked left me curious until now.
"Mabuti naman at binisita mo kami Iha, we didn't expect this" nakangiting bati saakin ng ginang.
If I remember it correctly she is tita Lovely Rose.
"Do you want some coffee? Juice?" alok naman ni Mr. Quinn. saka siya naupo sa silya na katapat ko. "Hon, pasabi kay Beth magready siya ng juice" utos pa nito sa asawa na agad naman sinunod.
Napatingin na lang ako sa paligid ko, their office itself screams wealth! from the marble tiles to the luxurious materials used in this office ay talaga namang di na kataka taka na kasama sila sa mga mayayamang bilyonaryo.
The interior gives off a very calming vibe, there are tall plants on the corners of the office, there are paintings on the walls and the cream and brown motif gives off an aesthetic vibe.
May naglapag naman ng isang baso ng juice sa harapan ko, ito ata ang secretary nila.
"So, what do you mean when you have something important to discuss with us, Iha?" tanong ni Mr. Quinn.
Kahit na kinakabahan ako ay kailangan kong panindigan ang pagpunta ko dito. Marami din akong gustong malaman. Apparently, why is it that I'm the only one whose in an arrange marriage? How about Kuya Adriel?
"It's regarding about the fix marriage my family is insisting I should do" seryosong sabi ko.
Napansin ko namang nagkatinginan ang mag asawa saka sila tumingin saakin na tila nag hihintay ng magandang balita.
"Yes, what is it you want to know iha?" tanong ng ginang.
"I want to know the conditions of the contract"
Tumayo naman sa kinauupuan niya si Mr. Quinn saka siya pumunta sa desk niya at tila may kinuha siya doon na nakaenvelope pa. Inabot naman niya saakin ang envelope na 'yon.
"What is this?" takang tanong ko.
"That is the terms and conditions" seryosong sabi nito.
I was hesistant to take a look at it, but I really want to know, Gusto ko malaman kung ano ang napag usapan nila.
UMUWI ako ng bahay na wala sa sarili ko, hindi ko na nga alam paano ako nakauwi, kung nagcommute ba ako o may naghatid saakin. Pakiramdam ko tatagos na ako sa pader sa sobrang pagkalutang ko.
"Guin, okay ka lang ba?" si Aiden.
Naririnig ko siya pero hindi ko siya magawang sagutin, ang isip ko nandoon pa din sa kontratang iyon.
Naabutan ko sila mommy at daddy sa may living area, busy silang nanonood ng kdrama.
How can they live such a normal life after selling their daughter out?
Lumapit ako sa pwesto nila saka ko hinarangan ang pinapanood nila.
"Guin ano ba! Can you see we're watching?" Inis na sabi ni mommy.
Kinuha ko naman ang remote sa center table ngunit hindi ko pinindot ang off button, ibinato ko ng malakas ang remote sa may mismong tv namin dahilan para mabasag ang mismong screen.
"ANASTACIA GUINIVERE!!" pagtawag saakin ni daddy dahil sa ginawa ko. Mukhang nagulat sila sa ginawa ko. Maski ako ay nagulat sa nagawa ko.
BINABASA MO ANG
Can I have this dance
General FictionAnastacia Guinevere Arnoult met Elieazer Roz Quinn on a moonlit night at a dance floor. As they dance with the rhythm, their hearts become entwined in a whirlwind of emotions, their masks concealing secrets and desires. With each step, they discove...