ISANG malakas na sampal ang bumungad saakin pagkauwi ko ng bahay. Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok ay sinalubong na agad ako ni mommy ng magkabilang sampal.
"Iyon na nga lang ang kwenta mo sa pamilyang ito tatanggihan mo pa!! How could you?!" galit na galit na sigaw nito saakin.
Hindi pa man ako nakakabawi sa pagsampal saakin ni Mommy ng maramdaman ko ang malakas na hampas ng sinturon ni daddy sa mga binti ko, halos mamanhid ang mga ito sa sakit ng pagkakahampas nito.
"How many times do you have to disobey me Guinevere?! Sinabi ko na sayo na you are no longer allowed to do something that is related to dancing! yet you went to that ball!" muli nanaman akong hinampas ni daddy ng sinturon niya.
Tahimik kong ininda ang sakit ng mga pisngi at binti ko, mukhang sanay na sanay na ang katawan ko sa mga hampas at sampal dahil hindi ko na magawang umaray kagaya ng dati.
"That's enough mom, dad!" pagsuway ni Kuya Aster sa mga magulang namin. "Give her some time to think" dagdag pa nito.
"Time to think?! Our business is at risk! And we don't have enough time!!" galit na sigaw ni dad kay Kuya Aster. He really looked livid.
"And is that her fault?" malamig na tugon ni Kuya Aster.
Lahat kami natahimik sa paraan ng pagtugon ni Kuya Aster kay daddy. This is the first time we heard him spoke that way to our dad.
And that voice sent chills on my system.
"Aster! don't you dare talk that way to your father!" galit na sigaw ni mommy.
My brother just shrugged and stared coldly at dad whose look is about to beat someone terribly.
"Give her time, Guin is no longer a child" matapos niyang sabihin iyon ay umakyat na siya ng hagdan papunta ng kwarto niya.
Hindi ko namalayan na basa na pala ang pisngi ko dahil sa mga luha kong nag uunahang tumulo. For the first time after how many years my brother helped me.
"You have until tomorrow Guinevere. I am telling you, if our family suffers again because of you--I'll make sure even in the afterlife pahihirapan kita" My mother threatened me.
Wala naman na akong narinig pa kay Dad, they just left me at the living area bruised from their abuse.
Dali dali namang lumapit saakin si Nanay Carlota at Butler Hans na agad akong inalalayan papunta sa kwarto ko. Pakiramdam ko ay namanhid talaga ang buong katawan ko dahil sa nangyari.
"Guin!" pagpasok ni Aiden sa kwarto ko saka siya mabilis na lumapit saakin "Ako na po jan Nanay Carlota, Butler Hans" sabi nito.
Ayaw pa ni Nanay Carlota noong una ngunit kalaunan ay hinayaan na nila si Aiden. Lumabas na sila ni Butler Hans sa kwarto ko.
"I'm sorry, I'm late" malungkot na sabi ni Aiden habang ginagamot niya ang sugat sa binti ko. Sa sobrang lakas ng pagkahampas saakin ni Daddy kanina ay talagang nagmarka iyon at nagsugat. "I'm sorry, I wasn't able to protect you" muli nitong sambit.
Tinapik ko naman ang balikat nito saka ko siya tipid na nginitian.
"It's okay, Kuya Aster helped me awhile back" sabi ko dito. Natigilan naman saglit si Aiden ngunit matapos ang ilang segundo ay ipinagpatuloy na niya ang pag gamot sa paa ko.
"Magpahinga ka na, I know you've been through a lot today." sabi nito matapos niyang magamot ang ibang sugat ko sa binti. Inalalayan niya pa ako na makahiga ng maayos bago siya tuluyang nagpaalam na lalabas na siya ng kwarto ko.
Nakatitig ako sa kisame ngayon, Inaalala ang mga nangyari kanina. Napaisip tuloy ako ng malalim.
No matter how luxurious my life is--I felt like all of these are useless. I felt like my life is not mine, That for me to survive I have to obey my parents. But still, despite all the abuse and hatred I receive towards them, Mahal ko pa din sila.
BINABASA MO ANG
Can I have this dance
General FictionAnastacia Guinevere Arnoult met Elieazer Roz Quinn on a moonlit night at a dance floor. As they dance with the rhythm, their hearts become entwined in a whirlwind of emotions, their masks concealing secrets and desires. With each step, they discove...