CHAPTER 6

35 19 10
                                    

NANDITO kami sa dining area ni Elieazer kumakain ng dinner, parehas kaming tahimik. Tila hindi ko pa nga manguya ng maayos ang pagkain dahil naiilang ako sa katahimikan.

"What's your schedule in school?" bigla nitong pagsalita, natigilan tuloy ako sa pagnguya.

Uminom muna ako ng tubig saka ko siya tinitigan.

"Why do you have to know that?" seryosong tanong ko dito.

"Because you signed the contract remember?" he smirked as he stared at me.

Para kaming nasa staring contest, talo kung sino man ang bibitaw sa tinginang iyon. Ngunit, ako na mismo ang bumitaw sa tinginan naming iyon. Pakiramdam ko kasi ay malulusaw na ako sa uri ng pagkakatitig niya.

"My classes starts at 10 and ends at 4pm. Also, I will be very busy these coming weeks because my on the job training is about to start" sabi ko dito habang ang attensyon ko ay nasa plato na nasa harapan ko.

Ramdam ko pa din ang tingin ni Elieazer saakin, pakiramdam ko ay binabasa na niya ang buong pagkatao ko.

"Where will you do your OJT?" seryoso niyang tanong.

"I was thinking of Dela Cruz Co. but I'm still waiting for their confirmation on my application" sabi ko dito.

"Don't you want to apply on the Quinn's Group?" muli nitong tanong.

Kahit naiilang ako ay napatingin ako sakanya dahil sa tanong niya.

Gusto niyang mag OJT ako sa kompanya nila?

"As much as possible, I don't want to apply on a company where I know someone. I want to rely on my own abilities and also, to avoid gossips from the employees" I honestly answered.

Hindi ko alam kung namalikmata lang ba ako o ano ngunit nakita kong ngumisi ito dahil sa sinagot ko.

Was he impressed?

"Alright then, if you need anything don't hesistate to call me or Gabriel" bumalik ito sa pagiging seryoso niya saka siya tumayo sa kinauupuan.

Tumayo na din ako saka ko kinuha ang pinagkainan namin.

"Ako na maghuhugas" pagprepresinta ko.

Wala kasi itong katulong, si Gabriel at ibang tauhan lang niya ang kasama niya dito. Gusto ko sanang tanungin kung bakit wala siyang katulong ngunit ayaw ko na lang alamin dahil baka mamisinterpret niya ang pagtatanong ko.

Matapos kong maghugas ng pinagkainan namin ay napagdesisyunan ko munang mag ikot ikot sa buong bahay. Nakakamangha talaga ang kalinisan ng buong bahay niya, I wonder how can he maintain it this clean? And honestly, this feels more like a home rather than my former one.

I suddenly missed Aiden.

Inilabas ko naman ang cellphone ko saka ko tinawagan si Aiden, dalawang ring pa lang ay sumagot na ito.

"Aiden..."

"Guin, where are you? bakit wala ka na kela Trisha?" nag aalalang tanong niya saakin. "Hindi ko nakausap si Trisha dahil wala siya dito sakanila, pero sinabi saakin ng katulong nila na umalis ka na daw dito, where are you huh?"

"Aiden ahm..." hindi ko maituloy ang sasabihin ko, hindi ko alam paano ko sasabihin dito na lumipat na ako sa pamamahay ni Elieazer.

"What is it Guin? Asan ka? Pupuntahan kita"

"I'm here at Elieazer's abode" pahina ng pahinang sabi ko dito, hindi ko alam kung narinig ba niya iyon o hindi.

"WHAT?!! What are you doing there Guin?!" halatang nagulat si Aiden sa sinabi ko. "Are you alright? Are you being treated right?" tuloy tuloy niyang tanong.

Can I have this danceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon