⚜BLURB⚜

36 1 0
                                    

GENRE: Supernatural-Fantasy/Mystery


Limang binatilyo ang may ibat -ibang kakayahang supernatural. Pagtatagpuin ang kanilang mga landas sa senior high ng kilalang public integrated school ng Mariano Institute of Science and Technology o mas kilala sa acronym nito na MIST.

Mabubuo ang pagkakaibigan at may mamumong hindi pagkakaintindhan. Sa biglaang pagkamatay ng kanilang guro, sa pagkawala ng kapatid ni September at ng mga dalaga sa kanilang lugar, at pagnakaw sa artifact na libro na tinaguriang 'libro ng kamalasan' sa isang museum, unti-unti nilang pagdududaahan ang bawat isa't-isa.

Sa gitna ng kaguluhan, darating ang misteryosing substitute teacher na si Celdric, medyo may kabataan kumpara sa mga gurong nakasanayan nila. Tila alam niya ang sikreto ng limang binatilyo kung kaya pinagbuklod niya ang mga ito at ginawa ang sikretong grupo ng mga kabataang may kapangyarihan.

Si Crescent ang may kakayang pagalawin ang mga bagay nang hindi ito hinahawakan.

Si September ang laging nakaka-alitan ni Crescent dahil tila alam na alam nya ang bawat galaw at pag-iisip nito sa tuwing nagkakainitan at nagkakasuntokan sila.

Si Marius ang kaibigan ng kambal ni September. Bigla bigla na lamang siyang sumusolpot sa kung saan. Kaya n'yang puntahan ang mga lugar na iniisip nya sa isang iglap lang. Minsan na siyang pumunta ng Japan ng hindi dumadaan sa embassy o sumakay man lang ng eroplano para lang maging torpe sa crush nyang si Ella.

Si Gonzalo, ang minsan ng lumabas sa balita dahil sa sunog sa kanilang lugar.

Si Dorian, ang magiging matalik na kaibigan ni Gonzalo. Maliban sa nakakakita raw siya ng multo, may misteryosong tattoo ang bigla na lamang lumitaw sa ibaba ng kanyang batok.

Mula kay Celdric, malalaman ng lima na sila ay ang mga Majians o Wickers, mga tagapagmana ng mga kapangyarihan ng mga sinaunang May'ng Taw o katumbas ng mga babaylan. Ayon kay Celdric, hindi lamang ang artifact na 'Libro sa Karaang Kinaadman' o ang tinatawag na Oscurolibreta ay nawawala kundi pati na rin ang ma-alamat na Wicker's Token na ayon sa kwento ay nagtataglay ng malakas na kapangyarihan. Ang dalawang artifact ay pagmamay-ari ng mga sinauanang May'ng Taw. Sa lahat ng impormasyon na malalaman nila mula kay Celdric, ang yayanig sa lima ay ang ideya na isa sa kanilang lima ang may pakana ng lahat. Kung kaya kailangan nilang magkaisa ngunit bantayan ang bawat isa upang matukoy kung sino ang may maitim na balak.

Ganoon pa man, may iisang agam-agam ang lima: Mapagkakatiwalaan ba si Celdric?

Totoo nga ba lahat ng impormasyong sinabi niya?

Papano niyang nalaman ang lahat ng iyon?

Paano kung siya ang may pakana ng lahat?

Paano kung siya ang may pakana ng lahat?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Wicked WondersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon