"minutes passed, at nandito na nga si ma'am, andito narin pala yung kupal, na sobrang sama ng tingin sakin kanina nang makapasok sa room, haysst paki ko sa kanya."
"good morning class, good morning din po ma'am."
"may bago pala kayong kaklase," saad ni ma'am at tinawag ang aking pangalan, at agad din naman akong tumayo para magpakilala, "miss monteverde, kindly introduce yourself to us." "okay po ma'am,"nakangiting saad ko sakanya.
"hello good morning everyone my name is samantha monteverde and for short you can call me sam, nice to meet you all."
"nice to meet you din, sam," saad ng isa sa mga kaklase, may nagsabi din na "nice to meet you beautiful," lahat sila binati ako maliban kay kenji na walang pakialam sa paligid niya.
"okay miss monteverde kindly go back to your seat. by the way, i’m ma'am gloezelyn sanchez, and i am the class adviser of this room. nice to meet you miss monteverde," "nice to meet you din po ma'am," okay class let's start our discussion for today.
~ DISCUSS
~ DISCUSS
~ DISCUSS
natapos na nga mag-lesson si ma'am, kaya next subject na naman, at katulad ng ginawa ko kanina, nagpakilala din ako sa bawat subject teacher na pumasok. haysst sawang sawa na ako paulit-ulit na lang akong nagpipakilala, at nahalata naman ni rynzell ang pagka-inis ko, at sinabihan ako na relax bess chill. paano ako magrerelax, kanina pa ako naiinis, dumagdag pa yung pagmumukha nung kupal na si kenji, mas lalo tuloy akong na-bubuwesit.
break time na naman, kaya papunta kami ni rynzell sa cafeteria para kumain, gutom na rin kasi ako, nag-breakfast naman ako kanina pero sadyang may pagka-foodie kasi ako.
nang makaabot na kami sa pila, ay agad namang akong nag-order ngunit napa-kunot ang noo ko nang may biglang sumingit na apat na matangkad na lalaki sa pila. "ehem excuse me pero pwede ba kayong tumabi diyan? ako ang nauna, hindi pwedeng basta-basta lang kayo sisingit. kanina pa ako dito nakapila," agad namang humarap sa akin ang apat na lalaking iyon at kasama sa kanila yung kupal na si kenji. "and excuse me din miss, do you not know us?" pagtatanong sa akin ng isang lalaki na kasama nila.
inirapan ko lang siya kahit sino pa man kayo, wala akong pakialam. diniinan ko talaga ang pagsabi ko ng "wala akong pakialam."
nag-smirk silang apat at narinig ko ang bulung-bulungan ng nasa paligid, "grabe ang tapang naman ni ate girl, diba niya kilala sila, i think bago siya dito." ilan lang yan sa mga bulong-bulungan nang mga andito. tumalikod na lang sila at nag-order ng pagkain.
nang maka-order na sila, may sinabi ang isa sa kanila sa akin na, "kilalanin mo muna ang binabanga mo. kung di ka lang bago dito, baka kanina ka pa napa-hamak. mag-ingat ka sa mga taong nandito, hindi mo sila kilala." pagkasabi niya noon, agad naman siyang sumunod sa tatlo para maupo sa isang table. i rolled my eyes and said, "what a jerk."
BINABASA MO ANG
FROM HATER'S TO LOVER'S
Teen Fictionsamantha was a troublemaker because of her mischief in her life, she met her mortal enemy, Kenji Smith. but in an unexpected turn of events, she unexpectedly fell in love with her enemy. started 4/23/2024