Wow, this place is so beautiful. "Thank you, Jo, for taking us here," sabi ko sabay pinagmasdan ang paglubog ng araw dito sa dalampasigan.
Ewan ko ba, pero kahit hindi ko sabihin, alam na ni Jo na gusto namin pumunta sa isang lugar kung saan makakapag-alis kami ng stress, kahit panandalian lang.
At iyon ay ang pagmasdan ang magandang tanawin ng dagat habang pinapakinggan ang tunog ng mga alon, which I found to be my comfort zone, lalo na ang pagmasdan ang paglubog ng araw.
Tinititigan ko ang dahan-dahang paglubog ng araw, habang ang langit ay unti-unting nagiging kahel at rosas, na parang isang obra maestra na iginuhit para sa amin. Pakiramdam ko'y saglit na tumigil ang oras—walang alalahanin, walang ingay ng mundo, kundi ang payapang tunog ng mga alon at ang malalim na buntong-hininga ng kalikasan.
Habang lumulubog ang araw at ang dilim ay unti-unting yumayakap sa dalampasigan, ramdam ko ang kalmadong enerhiya ng gabi. Sa gitna ng lahat ng ito, naramdaman kong kahit gaano man kabigat ang mga iniwan naming problema sa buhay, may mga ganitong pagkakataon na tila binibigyan ka ng kalikasan ng pahinga—isang paalala na laging may lugar para sa kapayapaan at kasimplehan.
Mag-gagabi na kaya naisipan na naming tatlo na umuwi. Hinatid na lang pala kami ni Joana para hindi na kami magpasundo sa driver namin. Habang nasa biyahe, si Rynzell naman ay walang sawa sa pang-aasar saakin, sinasabing may gusto daw ako kay Press Kenji.Kung ano-ano pa ang imbentong dinagdag niya, gaya ng gusto ko daw sabunutan yung babae na kasama ni Press kanina sa sobrang selos.
Para daw akong namatayan kanina dahil sobra daw akong umiyak nang todo, na parang katapusan na ng mundo. Tarantado talaga 'tong isang 'to—kung ano-ano ang kwento ang ine-embento! Kung hindi lang ako inaantok, kanina ko pa 'yan sinapak.
Ngunit sa totoo lang, wala na akong lakas para patulan pa ang mga kalokohan ni Rynzell. Masyado na akong pagod at ang bigat na ng mga mata ko sa antok.
Pinili ko na lang manahimik, nakatingin sa labas ng bintana habang dumadaan kami sa mga ilaw ng kalsada. Napangiti ako ng bahagya—kahit na nakakainis si Rynzell, alam ko naman na nagpapatawa lang siya.
Si Jo, gaya ng inaasahan, ay tahimik lang at nakangiti habang nagmamaneho, sanay na sa mga ganitong usapan.
Hindi man ako suwerte sa ibang bagay pero napaka-suwerte ko dahil I have these two idiot friends na laging nandiyan sa tabi ko, kahit minsan nagkakatampuhan na minsan nauuwi sa hindi pansinan. Minsan naman, mga kalokohan na palaging nauuwi sa tawanan. Mga problema naming magkakaibigan na laging nauuwi sa damayan.
"Oh, I'm so lucky that God gave me this kind of friendship".
authors note: photos not mine credit to the rightful owner
btw guys hope you all enjoy this chapter pasensya napo kung matagal akong mag UD talagang sobrang busy ko po kasi sa acads
this chapter is dedicated to my best friend na laging nandiyan para sakin hindi man tayo mag kasundo minsan maraming salamat dahil lagi kang nandiyan para saakin sa hirap man o tawanan i treasure you the most.
BINABASA MO ANG
FROM HATER'S TO LOVER'S
Teen Fictionsamantha was a troublemaker because of her mischief in her life, she met her mortal enemy, Kenji Smith. but in an unexpected turn of events, she unexpectedly fell in love with her enemy. started 4/23/2024