"Yes, I am really jealous! Happy?"
Sinong nagseselos diyan? Laking gulat ko nang magsalita ang proof namin, time na pala, andito na rin pala si press Ken. Omg Sana hindi niya narinig yung sinabi ko, baka kasi kung anong isipin niya. Nako naman, puro kasi problema ang pinapasok mo, Samantha. Hay nako, another problem of mine nanaman at malala pa. Sigurado akong hindi ako ni 'to titigilan ng katabi ko ngayon sa panunukso tulad ng ginagawa niya ngayon napa facepalm nalang ako dahil hindi ko na alam kong ano ang gagawin ko.
"Nagseselos" pabulong na saad ni Rynzell.
"What's the noise all about, Ms. Rynzell? Isa pang ingay na marinig ko ay papalabasin ko talaga ikaw. I'm not tolerating this kind of behavior during my class. Kung gusto mong magsalita, bibigyan kita ng oras para magsalita dito sa unahan."
"I'm sorry, proof. Hindi na mauulit. Talagang hindi na mauulit dahil pag may narinig pa akong nagdadaldalan during my discussion, ay hindi ako mag-aatubiling palabasin kahit sinong isa sa inyo. Understood?"
"Yes, proof. I'm sorry again."
Kawawa naman, nasermonan. Panunukso ko kay Rynzell, sabay palabas ng dila ko, "bleh."
Tiningnan lang ako ng masama ni Rynzell dahil hindi siya makakaganti sa akin ngayon, dahil alam kong takot na 'yan kay proof.
Napagalitan ba naman, at I know na ayaw niyang mabalitaan ng parents niya na hindi siya nagtitino sa pag-aaral, just like me. Hahaha.
Hours passed by at uwian na naman. Bilis talaga ng oras no? Pagkalabas namin ng gate ay agad naman namin natanaw ni Rynzell si Joana, at agad naman kami nitong nakita kaya kumaway ito.
"Miss you, Jo!" parang batang saad ko sabay yakap sa kanya na parang ilang taon kaming hindi nagkita.
"Let’s go, guys! Let’s have some fun."
"Pupunta ba tayo sa bar?"
"Anong bar ka diyan, Sam? Gusto mo bang pagalitan na naman ng dad mo?"
"Ayaw... ayaw naman pala. Kung gano'n, 'wag mo nang subukan!"
"Boring eh, saan ba tayo ngayon?"
"Ay, wag nang maraming tanong. Sakay na, treat ko kayo."
"talaga? Kung ayaw mong maniwala, edi 'wag! Tara, Rynzell, iwan na natin ang isang 'yan."
"Ay, teka lang naman! Hindi naman kayo mabiro. Syempre gusto kong sumama, lalo na pag libre. Tara na!"
"Get in, you two, let’s have fun."
Agad naman akong pumasok sa loob ng sasakyan kahit wala akong ka-ide-ideya kung saan ba kami dadalhin ni Joana. Pero sana naman somewhere that I can relieve my stress at makapag-isip-isip.
"Jo, saan mo ba kami dadalhin? Teka, baka kinikidnap mo na kami, tapos ipagpapalit mo kami sa ransom money," pagreriklamo ni Rynzell.
"Huy, magtigil nga kayong dalawa diyan! Baka gusto niyong bumaba na at maglakad pauwi?"
"Ito na nga po, tatahimik na," sabay na tugon namin kay Joana dahil sa ganitong lagay alam namin na naiirita na siya.
Walang sino man sa aming tatlo ang nag-aatubiling magsalita habang nasa biyahe, kaya kinuha ko na lang ang AirPods na nasa loob ng bag ko at pinatugtog ang paborito kong musikang pakinggan. Itinuon ko na lang ang paningin ko sa labas ng bintana ng kotse at pinagmamasdan ang mga naggagandahang tanawin na nadaraanan namin.
BINABASA MO ANG
FROM HATER'S TO LOVER'S
Teen Fictionsamantha was a troublemaker because of her mischief in her life, she met her mortal enemy, Kenji Smith. but in an unexpected turn of events, she unexpectedly fell in love with her enemy. started 4/23/2024