CHAPTER 31

2 2 0
                                    

I woke up so very early today. Iwan ko ba, pero mas nauna pa akong bumangon kaysa sa alarm clock ko na nakaset na mag-alarm ng 4 a.m. Saktong 3:09 a.m. pa lang. I tried to go back to sleep, pero hindi na ako makatulog, kaya naligo na lang ako nang maaga. Afterward, lumabas na ako sa bathroom.

I dry my hair muna, at naisipan ko naman ngayon na mag-curl ng hair, pero slight lang. As my morning routine, every day before I go to school, I apply makeup on my face—pero super duper light lang. And voila! I’m done.

It’s already five in the morning ngayon, kaya sinuot ko na ang uniform ko. Balak ko sanang 'wag mag-uniform today, pero nakakainis kasi 'yung school na pinapasukan ko, dahil bawal ang hindi nakasuot ng school uniform.

Kaya ayaw kong lumipat ng school, eh. Buti pa doon sa dating private school na pinasukan ko, kahit anong isuot ko, wala naman silang pakialam. I mean, hindi sila gano’n ka-strict.

But okay naman 'tong uniform namin sa kasalukuyan kong private school na pinapasukan ko, our uniform is actually really nice, though, it’s giving a classic, preppy K-drama vibe.

wala ka talaga makikitang hindi naka-school uniform, dahil kapag nakita kang hindi suot ang uniform mo at nakasuot ng revealing clothes, may punishment ka talaga. maglilinis ka ng one week sa school yard, o, mas malala, ma-kick out ka sa university. Diba ang lala? Kaya doon ako linipat ni Daddy ng school, dahil para daw matuto naman akong sumunod sa mga regulations na hindi ko natutunan sa dati kong school. Pero kahit naman linipat niya ako, wala pa rin naman akong susundin na regulations. I'm Samantha Monteverde walang makakapigil sa akin pag gusto ko.

Ang bag na suot ko pala ngayon ay ang Chanel bag na binili sa akin ni Mommy last week. Super ganda ng design kaya naisipan ko itong gamitin. Sayang naman kasi kung hindi ko magagamit. It’s a classic black quilted leather bag with a gold chain strap and the iconic Chanel logo on the front. Ang pagka-classic ng design nito ay timeless at elegante, with just enough shine to stand out without looking flashy. The gold accents add that luxurious touch na sobrang gusto ko, at perfect ang size niya—hindi masyadong bulky pero kasyang-kasya ang essentials ko. Marami pa naman akong ibang bagong bags, pero hindi ko rin nagagamit. Kaya maybe next week, ipapamigay ko na lang sa charity para magamit pa ng ibang mas nangangailangan.

Bumaba na ako para mag-breakfast bago umalis. "Oh, anak, ang aga mo ngayon," bati ni Daddy. "Good morning, Dad," sabi ko sabay yakap.

He was sitting on the couch in our salas while reading a magazine—o baka diyaryo 'yon. "Eat first before you leave," sabi niya. "Yes, Dad," kaya pumunta na ako sa dining. May nakahanda na namang breakfast doon kaya kakain na lang ako.

After kong kumain, nagpahatid na ako kay Manong Jose sa school. Super aga pa naman kaya naisipan kong dumaan muna sa paborito kong coffee shop ang, Café de Amor. Bumili ako ng tatlong iced americano yung isa kay Manong Jose at yung isa para kay Ryn.

"Ay, wow, Sam! Saan ang date mo ngayon?" bungad sa akin ng kaklase ko. "Aga mo ngayon, te! Wow, Miss Pretty! Pwede ba kitang ma-i-date?" sabi ni Harvey, isa ko pang kaklase, kaya binatukan siya agad ng girlfriend niya. "HAHAHA, mukhang may red flag dito slash babaero," sabi ng isa pa naming kaklase, kaya nagtawanan sila. Ako naman, agad nang umupo sa upuan ko.

"Hoy, Sam, ganda mo ngayon!" bungad sa akin ni Rynzell.ibinigay ko naman sakanya yung binili kong coffe kanina at kinuha naman niya ito

"Ikaw ha, sama mo naman ako sa date mo today. Makiki-third wheel lang ako!" Anong date ka diyan, sira porket nag-ayos ako ng konti ngayon, may date agad? Natatawa kong sabi. "Tara, Ryn, labas tayo. Doon tayo sa garden, may sasabihin ako sa’yo," sabi ko sabay hila sa kanya papunta doon.

"Oh, anong sasabihin mo?" Napabuntong-hininga naman ako dahil it’s really hard for me to say na talo ako. "Dali na, Sam, anong sasabihin mo? Spill it out!" "Nanalo ka. Here’s your 20K," sabi ko sabay bigay sa kanya ng pera. "Nanalo saan? Sa pagkakaalam ko, hindi naman ako tumaya sa lotto," sagot niya. Hay, napakaslow talaga ng isang 'to. Sarap batukan.

"Wait!" sigaw niya. "Wait, let me process this first. Sam, so ibig sabihin, you already have feelings for him?" Hindi makapaniwala siyang nagtanong. "Parang gano’n na nga, eh," sabi ko, sabay kamot sa ulo.

"Sabi ko na may something, eh! Alam kong hindi ka mag-aayos ng ganyan basta-basta. So, kailan mo balak mag-confess?" "I don’t know," sabi ko, naguguluhan pa ako ngayon sa nararamdaman ko. Hindi pa ako sigurado. Pero kahit talagang mahal ko siya, wala naman akong balak umamin sa kanya. I just want to admire him from a distance.

FROM HATER'S TO LOVER'STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon