CHAPTER 32

3 2 0
                                    

Sabi ko na nga ba magkakagusto ka don kay Press. Anyway, bakit naguguluhan ka sa nararamdaman mo? tanong niya sa akin.

"Iwan ko rin," sagot ko. "Alam mo, Sam, matagal na kitang napapansin na may something sa 'yo, lalo na pagdating kay Press. Tulad na lang nung naging reaction mo nung makalawa, nung nakita mo sila Areum at Press na magkasama. Alam mo bang simula nung nangyari 'yon, nakumpirma ko na may gusto ka sa kanya."

"Paano mo naman nasabi 'yan?" tanong ko.

"Dahil sobrang halata ka," saad ni Rynzell. "Tara na nga, baka magsimula na ang first sub natin," sabi niya at tumango naman ako, kaya naglakad na kami papunta sa classroom namin.

Pagkapasok ko, agad kong nakita si Press na nakaupo sa upuan niya, katabi sina Tristan at Jacob. Nagkatinginan naman kami, kaya agad akong umiwas ng tingin. Ang lala mo, self! Anong nangyari sa 'yo? Bakit parang di ko siya matingnan sa mata, at bakit sobrang nag-u-unahan ang puso ko sa pagpintig? Siguro dala lang ito ng pag-inom ko ng kape. Next time talaga, lilimitahan ko na ang pag-inom ng kape.

"Huy, Rynzell, anong nangyari sa 'yo? Bakit tumatawa ka mag-isa diyan?" tanong ng kaklase namin na si Khalix. Siya ang ikalawang pinakamatalino sa amin, aside kay Press. He was very attentive sa klase at super batak sa recitation. Kasali rin pala siya sa campus journalism namin. Gwapo rin si Khalix kaya marami din ang nagkakagusto sa kanya, at napaka-friendly niya. Minsan lakas din niyang mang-asar, pero minsan napaka-seryoso.

"Sam, tatawag na ba ako sa mental hospital?" pang-aasar ni Khalix kay Rynzell. "Mukhang malala na ang sira sa ulo ng isang 'yan, tumatawa na mag-isa," dagdag pa niya, kaya binatukan siya ni Rynzell.

"Ouch, sakit!" reklamo ni Khalix.

"Bawal bang tumawa?" buwelta ni Rynzell habang si Khalix ay nakahawak sa batok niya. Binatukan siya ni Rynzell nang napakalakas, kaya sigurado akong masakit iyon.

"Deserve mo 'yan! Bakit ba kasi tumatawa kang parang baliw na mag-isa?"

"Ano naman ang pake mo?" sigaw ni Rynzell. Kaya pinagtinginan na sila ng mga kaklase namin. Si Press naman ay tahimik lang sa kinauupuan niya, habang 'yung dalawa niyang kaibigan ay parang nanonood ng movie, dahil totok na totok sila habang pinapanood si Ryn at Khalix na mag-away.

"Uy, crush mo siguro si Rynzell, Khalix!" pang-aasar ng kaklase namin. Kaya naman agad itong nilingon ni Rynzell, at ang sama ng titig niya—parang mangangain ito ng buhay. Iba talaga magalit ang isang Rynzell Alonzo.

"Tapos na ba kayo sa bangayan niyo?" seryosong tanong ni Press.

"Everybody, go back to your seat. Mamaya na kayo mag-away," awat niya kay Rynzell at Khalix. "Malapit na ring magsimula ang first sub natin kaya umupo na kayo. Huwag kayong gumawa ng gulo dito kung ayaw niyo na mapapunta sa principal's office mamaya," may-otoridad na saad ni Press, kaya lahat naman sila ay naupo sa kanya-kanya nilang mga upuan.

Maya-maya, agad namang pumasok ang prof namin at nag-announce na may bago daw kaming classmate ngayon. Nagulat naman ako sa sinabi ni prof, kasi galing daw ito sa dati kong school. Kaya agad akong nagtaka at na-curious kung sino iyon.

"Pasok na, iha," sabi ni prof, at may isang babae naman ang pumasok ngayon sa room namin. Napa-nganga naman ang boys sa nakita nila, dahil super ganda ng bagong classmate namin. Agad ko naman siyang nilingon at laking gulat ko kung sino iyon.

"Kindly introduce yourself, Ms.," sabi ni prof.

"Hi, good morning everyone. I am Joana Astrid Flores, but you can call me Jo or Joana for short. I’m your new classmate, and it’s nice to meet you all".

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 2 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FROM HATER'S TO LOVER'STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon