hanep ka talaga, self! may pagka-delulu ka na rin, plus napa-ka assuming mo pa. hindi nga para sa'yo yung tula eh, napa-ka assuming mo talaga.
okay, inhale, exhale. okay self, erase-erase na yung pag-a-assume mong may gusto sa'yo si press, kasi baka sa huli ikaw pa ang masaktan.
nagiging habit ko na talaga ang pag-one-on-one namin ng sarili ko. para na siguro akong baliw kasi kinakausap ko ang isip ko.
"sam!" tawag ni rynzell, sabay lapag ng palad niya sa harap ko na para bang may hinihingi. gets ko na kung ano nanamang kailangan ng babaetang ito. "sam, yung 20k ko?"
"anong 20k ka diyan? FYI, never akong magkakagusto kay press, kuha mo?" diin kong saad, sempre para klaro.
"chill lang, besh. tara, mall tayo mamaya kasama si joana after class para naman ma-relax ang isip mo. smile nga, wag kang masungit diyan. sige ka, baka tumanda ka agad."
"okay fine, saan ba tayo mamaya?"
"basta ako na bahala."
"good morning class," bati ng prof namin. ang dali naman ng oras, next sub na agad, saad ni ryn. here we go again with the boring discussion, saad ko sa isipan ko habang lumilipad nanaman ang isipan ko. ano pa nga bang bago sakin?
"this upcoming week, class, we will be having a trip sa province, so inform your parents. mahahati kayo sa apat na grupo. ken, ikaw ang magiging tour guide ng mga classmates mo and also the v-press. kayong dalawa ang ma-aassign para sa paggu-guide sa mga classmates. I'll be sending later your group in our group chat, so kindly just check your messenger. ang gagawin natin sa class trip natin this upcoming week, isusulat niyo ang iba't-ibang experience niyo during our trip at kung ano-anong bagong bagay ang natutunan niyo. naghahanap pa ako ng specific location na pwede nating ma-visit; it's either sa cebu or sa aklan. so, that's all class for today. please be ready tomorrow for our quiz."
"tara, sam, labas muna tayo," pag-aaya ni rynzell.
"ayoko, tinatamad ako."
"hay nako! tayo ka na nga diyan."
"ayaw ko kasi eh, tinatamad ako," parang bata kong saad.
"ah ganon, hindi ka tatayo!?"
"oo, ganon nga. hindi talaga ako tatayo kasi tinatamad ako."
"sige, kung ganon, hindi na lang kita ililibre ng milk tea."
"ayaw pala ha. wait, teka, tatayo na!" pasigaw na saad ko at hinila na si rynzell palabas. "tara na, mommy, i want milk tea," parang bata kong saad, may pa-action pang nalalaman.
"isa nga pong matcha and black milk tea, ate. samahan niyo na rin po, ate, ng 2 large fries. si mommy naman ang magbabayad."
"anong ako ang magbabayad?" inis na saad ni rynzell.
"eh, sabi mo kanina ililibre mo ako."
"oo nga, ililibre kita, pero hindi ko naman sinabi na bibilhan kita ng fries. at saka ikaw nga dapat ang naglilibre sa ating dalawa kasi ikaw ang mas mayaman," pag rereklamo ni rynzell pero pinag sa walang balaha ko lang
"blah,blab,blah"
"eh sana hindi mo na lang ako hinaya kanina," napa-facepalm na lang si rynzell sa sobrang pagkapikon sa akin.
"hahaha, pikon!" pang-iinis ko. "sarap mo talaga inisin, no?"
"ah, ganon pala ha? eh kung ikaw na lang kaya ang magbayad ng inorder natin!"
"ito naman, hindi ka naman mabiro," saad ko sabay peace sign.
BINABASA MO ANG
FROM HATER'S TO LOVER'S
Teen Fictionsamantha was a troublemaker because of her mischief in her life, she met her mortal enemy, Kenji Smith. but in an unexpected turn of events, she unexpectedly fell in love with her enemy. started 4/23/2024