Chapter 38

5 1 0
                                    

Trod Villan

Napatulala.

Hindi akalain!

Humiwalay sa mahigpit kong yakap, pagkatapos ng mapusok na halik at... at hinuhubaran ako. Hinuhubad ang kasuotan ko. Hanggang malantad ang katawan dito, walang takip maliban sa...

"Get a shower, then change into dry clothes," balewalang tumalikod at lumayo bitbit ang basang damit.

Kalahati ay nagulat sa paghuhubad sa akin at kalahati ay dahil sa paraang parang walang namagitang halikan at mainit na daloy ng pakiramdam. Mahabang sandali bago naging diretso sa tamang hinahon ng katawan at isip, pumasok sa kwartong pinasukan ni Hasmina at...

Muling bumalik sa nakakabaliw na kalagayan katulad ng kanina, dahil ngayon ay nakatambad sa paningin ang...

Hindi nagawang pumikit, hanggang sa matapos mailagay sa maganda nitong katawan ang bawat saplot.

Saka lumingon. "Use my bathroom, here." Lumapit at ibinigay ang isang bathrobe at tuwalya.

I am crazy.

Totally crazy.

Losing the insanity... completely.

Bago pa lumayo ay ikinulong ko siya sa mga bisig at ibinulong ang mga salitang gusto kong sabihin, palagi. At nakatanggap muli ng halik, isang halik na mas nagugustuhan sa lahat.

Pero natatapos agad.

"Let's eat afterwards," bulong ng magagandang labi nito, saka humiwalay at lumayo.

Nakahabol ang paningin para dito hanggang makalabas ng kwarto. Punong-puno ng kakaibang emosyong nararamdaman at nag-uumalpas sa loob para makawala. Naisasalarawan sa mga salitang ibinulong ko sa kanya at nagpapatunay ay ang pag-ibabaw ng totoong nararamdaman. Na kaysa mawalan ng pasensya dahil sa pagkakalayo at nagresulta ng pagkalito at sakit, mabilis nalusaw sa paglapit kanina habang ako ay naghihintay at nilalamig. Mas pinili ako ang kumuha ng atensyon niya kahit parang balewala ang pinapakita.

Nakalimutan at tuluyan naglaho ang nangyari sa loob ng nakaraang buwan, dahil sa halik na pinagsaluhan, mas lalo ng siya mismo ang nagbigay. Ang dapat na gawin ngayon at hindi nawawalang intensyon noon pa man sa loob, ay ang masigurong ako lamang ang lalaki sa buhay ni Hasmina. At hindi na kami magkakalayo pa.

Pumasok sa loob ng banyo at naligo ng mabilis. Ang amoy sa loob ay nakakaginhawa sa pagod na katawan, ang maligamgan na tubig ay nakakatulong mawala ang nakakangalay na kalamnan mula sa biyahe.

Nang nararamdaman sapat na ay ipinunas sa katawan ang towel, hindi mapigilan amuyin iyon dahil pareho ng amoy dito sa loob.

Ang amoy ni Hasmina.

Pati ang bathrobe ay ganoon din.

Lumabas sa shower room at dinala ang mga paa kung saan ang dapat. Natitigan sa ilang sandali ang malaking higaan at sa nagkalat na unan. Sa kaibuturan ng isip, umaasam sana si Hasmina lamang ang natulog dyan.

What a thought?

Bakit hindi ko tanungin? Pati ang pakay ng lalaki kanina? Sabihin na ako ang maging lahat sa kanya at huwag ng makipagkita sa mga lalaking katulad ng kanina. Pati sa boss.

Gagawin ko ngayon.

Lumabas ng kwarto.

"I love you too..."

Natulos lang sa kinatatayuan sa naabutan.

"You should and you will like the food here."

Nakatalikod paharap sa kusina, may cellphone sa tenga habang naghahanda ng pagkain sa lamesa.

BOOK 9 - SILENT HEIRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon