Chapter 36

162 6 4
                                    

Trod Villan

One thing, I am crazy.

Sumang-ayon ang isip sa puso, na lahat ng iniisip kanina ay parang walang halaga ang mga iyon at may mas mahalaga pang ibang bagay. Kagaya nito, hawak ko siya sa kamay ng mahigpit, ang unang beses sa lahat, ng hindi pinapakawalan kanina pa mula ng nilisan ang kompanya ni Olis Martis.

Ang boss?

Pilit iginigilid ng isip dahil ang mas mahalaga ay ang pagpili sa akin ni Hasmina. Matagal ng handa harapin ang consequences kagaya ng unang tinapat ang babae. Kahit ang iba pang lalaking umaaligid sa matagal ng pag-aari dapat, haharapin ko sila at sasabihin ang karapatan.

"Are you hungry?" Tanong ng may magandang boses sa pandinig.

Mabagal na paglalakad, na hindi pinagkaabalahan sumakay mula sa pinanggalingan dahil mas gusto ang ganitong nararamdaman at nangyayari at hindi rin halos maalis ang mga mata ko sa kanya.

"I am," bilang sagot. Nalipasan na siguro dahil hindi kumain ng tanghalian na sana ay sa gathering kanina.

"Let's go to your place and I'm going to cook for you."

Marami ang agad pumasok sa isip sa simpleng mga salitang iyon. Ito ang una, "Wala akong stock sa fridge."

"Let's buy some."

Mas napatitig ako sa labing bahagyang gumalaw at hindi na naman mapigilan mapalunok. Mas masarap ang nakikita kaysa ang kumain ng literal na pagkain.

"What about at your place?" Halos bulong ang nailabas na boses.

"I don't have a place of my own... here."

"Where do you stay then?"

"Olis Martis's mansion."

May humarang sa lalamunan, ang bugso ng kung anong bigat ang hindi mapigilan mabuo sa loob. Ilang ulit muna lumunok para maalis ang bara at saka mas hinigpitan ang magkahawak naming kamay. Wala ng isang salita pa.

Mabilis nagdesisyon.

Piniling pumunta sa malapit na dry market para bumili ng kailangan. Tahimik ako sa tabi niya habang nagmamasid, dahil ito rin ang pumipili ng bibilhin. Ang isang kamay ko ay nakahawak dito, habang ang isa ay sa cart na tinutulak.

Hindi rin lumalayo sa pagkakahawak ko.

"Do you have any allergies, Trod?" Habang abala sa pagbabasa sa wrapper ng processed meat.

"I have," sagot ko sa kanya at nabawasan ang masamang epekto ng kanina, nang marinig ang pangalan ko.

Nagtama ang paningin.

"I have allergies... sa mga lalaking lumalapit sa iyo," murmur ko.

Nagbigay ng ngiti at nagpatuloy sa pagpili ng bibilhin.

Ngayon, unti-unti ng nabubuo sa kaloob-looban ang ganitong sitwasyon. Dahil sa unang pagkakataon ay may kasamang babae ng matagal at kahawak kamay pa.

Gusto ko ito.

Hanggang matapos sa pamimili. Mas pinili bitawan ang kamay ni Hasmina kaysa magbuhat ito ng pinamili, pero ang paningin ay hindi halos nilalayo dito. Bumalik lang ang dati ng magkatabi sa loob ng taxicab. Hinawakan ang kamay nito at binigyan ng halik ang pisngi, sa maraming ulit. Walang pakialam tumingin man ang driver.

"Are you happy?" Tanong ko. Kapag nagtatama ang paningin ay napapalagay ang hinala.

"I am, Trod."

"Me too." Nilapit ko pa ang sarili at hinapit ang bewang ng hindi mapigilang bigyan ng mga halik pa.

BOOK 9 - SILENT HEIRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon