Chapter 30

120 4 2
                                    

Trod Villan

October

Lust versus fidelity? It wakes me up from a matter of deep waste sleep. A waste of past weeks.

"How's her?"

"As I observed, she is rarely seen outside. Always staying in her pad," sagot ko sa boss. Ako mismo ang tumawag.

"Ah, she's doing her hobby," masaya ang boses.

Kunot-noo sa narinig. Sa malumanay pang pananalita, sinabi ang nararapat banggitin, "If going out, only to eat at different food places," habang tiim ang bagang pinigilan ilabas sa sariling bibig, na sa bawat paglabas ng babae nito ay may kasamang iba't ibang lalaki.

Mahigpit ang paglalaban sa loob dahil sa maraming bagay.

"Her usual self," sagot sa kabilang linya. Malaki na siguro ang pagkakangiti. "Hasmina's favorite to do."

Mas lalong napakunot-noo. Pilit naman nilalabanan ang sumisingit sa isipan, ang nangyari at naging usapan sa pagitan ng babae. Pati ang umaalpas pang galit ay pinipigilan. Nagiging marahas ang paghinga sa tuwing kinokontrol ang emosyon. Lalo kapag winawaglit at isinasantabi muna ang pansarili at gawin ang nararapat.

Mukhang nagre-report ako ng ideyang matagal ng alam.

Kung ganito lang naman ang kinalalabasan ng pagmamasid, mabuti ng pahintuin ang lahat. "For more than a month of doing this task, sir, and giving reports, may I get your permission to let me appoint most of my time to those undone work I should do regarding Hisser Group outside of this country?"

Walang sagot ang agad ibinigay.

Sinalo ko iyon, "I will monitor this task regularly without fail, sir. I just don't get the right feeling of setting aside some undone works. I will attend to it--"

"I do understand, Trod. I know what you mean. Then do it."

Napahinga ng malalim sa hindi malaman na dahilan. "I will honestly work on it," ang palaging sinasabi kapag sa ganitong bagay.

Natapos ang usapan. Napatingin sa katabing bagahe sa kinauupuang higaan dito sa loob ng unit. Nakahanda na iyon. Mas gusto lumayo sa makamandag na impluwensyang namumuo sa buong 'ako' habang nasa malapit ang isang Hasmina Hilson. Para saluhin pa ang sarili sa pagkapahiyang naranasan. Ibaon sa malalim na hukay ang mga nangyari at isaayos ang hindi makontrol na 'ako'.

Sisiguraduhin din, hindi na magtatagpo pa ang landas sa babaeng iyon. Gagawin magmasid mula sa malayo para iwas sa kamandag at hindi mahumaling ang 'ako' sa hindi maintindihan na pagnanasa.

Kaya ito ang nararapat.

Kinuha ang bagahe, pati ang nakapatong na sunglasses sa sidetable ay isinuot sa mga mata. Pagkatapos ay naglakad palabas sa unit. Ini-lock iyon at walang lingon umalis, ni ang bigyan sulyap ang pinto ng unit ng babaeng makamandag ay hindi ginawa.

Tinawagan ang airlines para sa confirmation ng flight. Ang destinasyon ay sa Malaysia, para sa nakaatang na negosasyon ng Hisser sa iba't ibang producer ng sasakyan. Ganoon din ang contact person sa bansang iyon.

"Prepare the necessary works for the appointments with them," sabi sa kausap sa cellphone.

"Yes sir. It will be done an hour pass if they will comply with that appointment. I will inform you immediately."

Kahit paano ay nasiyahan ng konti sa narinig. Pinutol ko ang tawag. Lumabas ng elevator at lumiko, papunta sa pasilyo ng parking basement.

"I realized that some things are not meant for me. If it does, I'm doing things to get it until I own that thing. It is a kind of process of drawing a few lines until the whole picture of the figure has been created."

BOOK 9 - SILENT HEIRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon